Child star Francis Maguindayao appears in two rival soaps


Francis Maguindayao, the child actor who played Iking in Darna and Pogi in Asian Treasures, is now part of Mga Mata Ni Anghelita. He will play the sidekick of Anghelita, portrayed by Kristal Reyes.



A "first" happened in Philippine TV last Wednesday night, August 8, nang sabay na mapanood ang isang artista sa magkatapat na continuing soaps.

Francis Maguindayao—the child star na gumanap na Iking sa Darna ni Angel Locsin noon at Pogi naman sa Asian Treasures nina Robin Padilla at Angel—is now part of the new GMA-7 soap Mga Mata Ni Anghelita bilang sidekick ni Anghelita, na ginagampanan ni Kristal Reyes.

This week, nag-pilot ang pinakabagong show na itinapat ng ABS-CBN sa Mga Mata Ni Anghelita, ito ang remake ng Kokey ng Star Cinema. Napanood din dito si Francis as one of the kids in the orphanage sa episode noong Miyerkules.

Tinawagan agad ng production manager ng Mga Mata Ni Anghelita na si Rams David ang ina ni Francis na tumatayo ring manager nito para magtanong.

Ayon sa ina ni Francis, a freelancer, in fairness daw ay nauna nilang natanggap ang Kokey para kay Francis at matagal na itong nakunan. Ang pagkakaalam nila, magiging pre-primetime ang Kokey dahil it could be categorized in the Sine Serye format of ABS-CBN. Isang araw lang nagtrabaho si Francis para sa Kokey.

Nang tinawagan na sila ng GMA-7 for Mga Mata Ni Anghelita, hindi pa rin nila alam kung kailan ipalalabas ang Kokey at kung anong oras. Nagkataon ngang nagkatapat ang dalawang shows kaya last Wednesday night, napanood ang bata sa magkatapat na shows.

Kakausapin na raw ng GMA Artist Center ang magulang ni Francis to sign up with GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN