Jericho Rosales fulfills dream of working with Piolo Pascual via Dahil Sa Pag-ibig


Jericho Rosales will play the role of Oliver Falcon in the upcoming primetime soap opera of ABS-CBN, Dahil Sa Pag-ibig, which will air this March.


Matapos ang kanyang primetime drama series na Green Rose noong nakaraang taon, isang bagong proyekto ang pinagkaka-abalahan ni Jericho Rosales, ang Dahil Sa Pag-ibig.

Ito’y isang soap opera kung saan makakasama niya sina Piolo Pascual, Maricar Reyes, at Cristine Reyes.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Jericho noong Biyernes, Pebrero 24, sa promo shoot ng Dahil Sa Pag-Ibig sa studio 8 ng ELJ Building, sa Mother Ignacia Street, Quezon City.

Ang istorya at ang chance na makatrabaho si Piolo ang mga pangunahing dahilan kung bakit tinanggap ni Jericho ang naturang proyekto.

"Uhm, number one talaga matagal ko nang gusto makasama si PJ sa soap and sa movie," pag-amin ni Echo (ang palayaw ni Jericho).

"Sa movie talaga ’yong pinagpe- pray ko na magkasama kami, then sabi nila sa soap.

"As usual nagdalawang isip ako kasi soap, di ba, medyo mahaba, mabigat, pero okay sige nakita kong maganda ’yong story, di ba?

"Second is the story.

"Christopher de Leon, Cristine Reyes, si Maricar, Piolo— all of us together in one great concept, di ba, it’s about family.

"Nowadays kasi, kailangang-kailangan ulit ng story about family, e, about love and forgiveness, about how to handle things.

"So, marami ngayong tao ang naghahanap ng answers to their questions.

"I hope this helps people to deal with things whether big or small, ’yon ang paraan ko kapag tumatanggap ako ng role, e."

WORKING WITH PIOLO. Ang Dahil Sa Pag-ibig ang naging daan para matupad ang pangarap ni Echo na makatrabaho si Piolo.

Inaasahan na ni Echo na makukumpara ang pag-arte niya at ni Piolo, lalo na’t pareho silang pangunahing karakter sa istorya.

Ngunit para kay Echo, hindi ito pressure sa kanya, bagkus ay nagsilbi pa itong inspirasyon.

"Actually mas masaya ako na kasama ko si sir Piolo at sir Boyet [Christopher de Leon].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It is going to be much easier for me kasi maganda ’yong nakukuha ko sa kanila, e. I know these guys are veterans, di ba?

"So, kapag binigyan nila ako ng solid meat, di ba, gano’n din ang ibibigay ko sa kanila. Wala kang tapon na parang bigay na nila lahat ng kailangan mo because these guys won’t give you less than what you expect, di ba?

"So, for us, since I’m a team player, makakapagtrabaho kami, makakapag-come up kami ng result na mas maganda pa.

"Hindi ko inisip kahit kailan kung sino ’yong ganito, sino mas ganiyan. You just always give your best sa bawat eksena."

HIS ROLE. Sumunod na naikwento sa amin ni Echo ay ang kanyang magiging karakter sa Dahil Sa Pag-ibig.

"Ako si Oliver Falcon, isang businessman na ampon ng Falcon family.

"Siya ang may dark side sa story na ito, parang gano’n dito sa soap [opera] na ’to. Pero mabait siya, hindi siya kontrabida, mayro’n lang siyang dark past."

Ano naman kaya ang pagkakaiba ng kanyang karakter sa Dahil Sa Pag-ibig at Green Rose?

"Similarity is businessman rin siya," nakangiting sagot ng Kapamilya actor.

"Mayro’n siyang pagbabago sa buhay niya na mula siya sa hirap then [naging] sobrang powerful niya na businessman.

"Pangalawa, mabuti siyang tao pero naging driven siya na maging, parang goal driven siya na may gusto siyang makuha na justice, parang gano’n.

"The difference naman kasi is parang ano siya si Lee Jung Soo.

"Kasi ano siya, e, si Anne Curtis talaga ’yong hinahabol niya, e, di ba, talagang super love story talaga.

"Dito, what he wants is justice, what he gets is forgiveness parang gano’n.

"’Yon ’yong parang mga nagugustuhan kong roles ngayon kasi parang medyo may challenge siya na gawin, na parang damaged siya, ’yong ano niya, ’yong pagkatao niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, pipilitin niya na gawin ang mga bagay sa sarili niyang ano lakas, sarili niyang kamay. Then, he realizes in the end that it is all up to God to heal his heart, parang gano’n.

"So, for me, ito ’yong mga gusto kong roles na gagawin, na parang not my own but His, parang gano’n."

Ang iba pang cast ng Dahil Sa Pag-ibig ay sina Rafael Rosell, Denise Laurel, Sandy Andolong, Tetchie Agbayani, Rey PJ Abellana, Malou Crisologo, at Jeffrey Santos.

Ito’y sa direksyon nina Darnel Villaflor at Avel Sumpanco, at mapapanood na ngayong Marso sa primetime block ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN