Toni Gonzaga stars in month-long special of Wansapanataym


TV host-actress Toni Gonzaga stars as a witch in her first episode for Wansapanataym, which airs on March 10. She is set to do three more episodes that tackle magical, kid-friendly stories.


Simula ngayon Marso 10 ay mapapanood si Toni Gonzaga sa apat na espesyal na pagtatanghal ng programang Wansapanataym sa ABS-CBN.

Gagampanan niya ang apat na natatanging karakter na naglalayong magbahagi ng magandang asal sa mga batang manonood ng programa.

Sa naganap na press conference para sa programa kahapon, Marso 2, sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN, ay ikinuwento ni Toni ang mga dapat abangan ng manonood.

"Si ’Witchy Mitch’ ay isang witch na tinuturuan siya kung paano i-control ’yong powers niya, ayaw ng mommy niya na gamitin niya ’yon sa normal na buhay.

"Kasi in real life, when we have so much power, minsan hindi natin nako-control ang sarili natin, minsan napupunta sa masama dahil alam nating meron tayong gano’ng klaseng powers so ’yon."

Makakasama ni Toni sa naturang episode ang theater actress na si Isay Alvarez bilang kanyang ina.

"Tapos ’yong pangalawang nagawa na namin, ’Hannah Panahon,’ ito naman kasi nagsimula siya bilang isang weather girl sa isang morning show hanggang sa nabigyan ng break.

"Tapos nakilala na ng konti, lumaki ’yong ulo so sinumpa siya na tuwing magagalit siya, tuwing may nangyayari sa kanya, naaapektuhan ’yong panahon.

"So kumbaga iyong actions niya nakakaapekto sa ibang tao, so parang iyon ’yong itinuro naman, iyon ’yong values no’ng second na [kuwento]."

Tapos nang i-tape ang dalawang episode at susundan naman ito ng "You’re The Man" kung saan gaganap si Toni bilang babaeng bersiyon ng isang lalaking pinarusahan dahil sa kanyang panloloko sa mga babae.

Ang ikaapat na episode naman ay magkakaroon ng temang superhero.

Masayang masaya si Toni na nabigyan siya ng oportunidad ng ABS-CBN upang gawin ang Wansapanataym.

"Siyempre masaya tayo dahil we are given this opportunity and we’re given this chance.

"Every time we’re given this kind of treatment, especially from ABS-CBN, siyempre masaya ’yong pakiramdam na na-a-ano mo ’yong pagmamahal, kaya naman sinusuklian mo ’yong tiwala sa’yo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan pa sa makakasamang artista ni Toni sa programa sina Guji Lorenzana, Atoy Co, Angel Sy, Nina Dolino, Bryan Termulo, Eda Nolan, Tess Antonio, Cecile Paz, Dexter Doria, at marami pang iba.

Ang "Witchy Mitch" episode ay idinirek ni Eric Salud, samantalang si Don Cuaresma naman ang director ng "Hannah Panahon."

Mapapanood ang Wansapanataym sa ABS-CBN tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Kapamilya Deal Or No Deal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN