Christopher de Leon says Piolo Pascual is a very disciplined actor









Christopher de Leon


Aminado ang magaling na aktor na si Christopher de Leon na sa dami na ng mga nagawa niya, maituturing niyang pinakamalaking proyektong tinanggap niya sa telebisyon ang Dahil sa Pag-ibig, ang bagong primetime teleserye ng ABS-CBN na nagsimulang umere kagabi, Marso 12.

Ayon kay Christopher, "So far, yes, this is the biggest. So far, sa mga ginagawa naming eksena... actually, yung napanood n’yong mga eksenang magaganda tapos dumating na sina Piolo [Pascual], and Jericho [Rosales], and Cristine [Reyes]. Papasok din sina Maricar [Reyes] and Rafael [Rosell]. Sa pagpasok nila mas maraming revelations, twists, intriga na mangyayari sa istorya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christopher sa celebrity screening ng Dahil sa Pag-ibig noong Marso 11 sa Cinema 7 ng Trinoma Mall. Bukod sa kanya, present din sa naturang event ang mga bida ng serye na sina Piolo, Jericho at Cristine. Hindi man nakarating si Maricar, naroon naman ang iba pang cast members na sina Sandy Andolong, Denise Laurel, Rafael Rosell, PJ Abellana, Jeffrey Santos, Carla Martinez, Joonee Gamboa, Melissa Mendez, Cheska Inigo, Edward Mendez, Francis Magundayao at Ella Cruz. Nandun rin ang mga direktor ng serye na sina Darnel Joy Villaflor at Avel Sunpongco kasama pa ang Business Unit Head na si Deo Endrinal.

MORE TO COME. Tampok sa celebrity screening ang unang linggo ng serye. Natutuwa nga si Christopher sa magandang response ng mga taong nanood. Sabi niya, simula pa lang ito at marami pang dapat abangan.

"Thank you. There’s more to come. Mas magiging intense pa ang relationship nina Piolo, Cristine, Jericho, Maricar and then myself. And then may mangyayari pang tragedy na lalong titindi ang mga eksena. Lalong magkakaroon ng banggaan yung family ko at saka yung pamilya Saguirre.

"Tapos malalaman ng character ko na both are in love, ang anak ko si Jasmin (Cristine) at ang ampon namin na si Alfred (Piolo). Is he (Piolo) going to be a priest? Tapos what will happen to Jericho? Who is Jericho? Wow, ang dami-dami pang mangyayari," excited na sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginagampanan ni Christopher ang role ni Leo Valderama, isang empleyado sa kumpanya ng kanyang mapanglait na biyenan (Ronaldo Valdez). Dahil nga lagi silang nagkakabanggaang magbiyenan, nagdesisyon siyang magsariling-sikap hanggang sa pasukin niya ang pulitika bilang mayor. Pero kabanggaan naman niya dito ang gobernador na si Saguirre (Bing Davao).

Gumaganap bilang misis ni Christopher sa Dahil sa Pag-ibig si Sandy Andolong, na asawa niya sa totoong buhay. Nakadagdag ba sa excitement niya na magkatrabaho sila sa isang serye bilang mag-asawa? "Of course, it’s a great feeling. Our scenes together are easier to communicate."

Hindi nga lang sa Dahil sa Pag-ibig sila gaganap bilang mag-asawa dahil sa upcoming teleserye na Kung Ako’y Iiwan Mo ay may special participation din sila bilang mag-asawa.

NEW GENERATION OF ACTORS. Kamusta naman katrabaho ang bagong henerasyon ng mga artista kabilang na sina Piolo, Jericho at Cristine?

"Well, they’re fun to work with. I like them because they’re very focused pati ako nahahawa rin sa kanila. Kasi ako during my younger years, several years ago, yun nga kami nina Bembol Roco, Rudy Fernandez, Jay Ilagan, you know we were taking it easy. But this generation they are very professional. They’re very focused with their career, very disciplined."

Inilarawan niya rin individually sina Piolo, Jericho at Cristine base sa pagkakakilala niya sa mga ito. "Si Piolo, everybody knows he is a nice guy. He’s very focused and disiplinadong tao. So as with Jericho. Si Jericho I call him, ’Hey, you have the swagger.’ Si Cristine naman is getting better and better. Look at her, she’s very pretty, she’s very talented. I take my hat off to all of them."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN