Angel Locsin plays in "Kapamilya Deal or No Deal"


Angel Locsin’s appearance in Kapamilya Deal Or No Deal this Monday, August 20, will coincide with the timeslot of Marimar, the TV series topbilled by Marian Rivera.


Ang Kapamilya Deal Or No Deal ang unang non-showbiz oriented program ng ABS-CBN kung saan mapapanood si Angel Locsin bilang true-blue Kapamilya star.

Nag-taping na siya para sa game show hosted by Kris Aquino at naging mainit naman daw ang pagtanggap ng audience ng Kapamilya Deal Or No Deal kay Angel. Marami raw ang nag-abang sa pagdating ng dalaga. Nahuli ng dating pero nanood ng taping ang nanay ni Angel.

Sinabi raw ni Angel kay Kris na dahil daw magkatapat ang programa nila before, hindi raw niya napapanood ang kanyang game show. Winika naman daw ni Kris na banned din sa bahay niya panoorin ang show ni Angel dahil katapat nga ito ng kanyang programa.

Nang intriga naman daw ang banker dahil sinabi raw nito kay Angel na hindi raw nang-iiwan ang kapamilya pero ang puso ay nata-transplant.

Kung magkakatapat ng time slot ang Kapamilya Deal Or No Deal at Marimar, makakalaban ni Angel ang programa ni Marian Rivera, na unang inalok sa kanya. Pero mas pinili niyang lumipat ng network kaysa tanggapin ang offer na siyang pinagmulan ng controversy.

Nang tanungin namin kung magkano ang napanalunan ni Angel, ayaw nito ipasulat pero sinabi ng aming source kung magkano lang ang nakuha ni Angel sa kanyang paglalaro.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN