Coco Martin, Sid Lucero, Allen Dizon, Emilio Garcia and others named Pinaka Kapuri-puring Artista ng Dekada by Gawad Tanglaw

























(L-R) Allen Dizon, Emilio Garcia, Sid Lucero and Coco Martin are some of the stars hailed as the Pinaka Kapuri-puring Artista ng Dekada by the academe-based group, Gawad Tanglaw.


Bagama’t pre-announced ang winners at special awardees, marami pa rin sa mga artistang pararangalan ang hindi nakadalo sa isinagawang paggagawad ng mga guro o academicians na bumubuo ng taunang Gawad Tanglaw Awards (Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw).



Ika-10 taon na ng pagbibigay-parangal ng nasabing award-giving body. Ang nasabing event, na tinaguriang Ikasampung Gawad Testimonyal: Parangal at Papuri ay ginanap kahapon, Marso 15, 2012, sa Bulwagang Ernesto P. Crisostomo ng Perpetual Help System DALTA, Perpetual Help College sa Las Piñas City.



Ang parangal ng Gawad Tanglaw ay para sa sining ng iba’t ibang larangan, o multi-media arts; sumasaklaw ito sa mga larangan ng Pelikula, Telebisyon, Radyo at Pamamahayag. Ang mga sertipiko (Certificates of Citation) at medalyon (Medallion) ang sumisimbolo sa mga ipinagkaloob na karangalan.



Labing-isang mga aktor at aktres ang binigyan ng natatanging pagkilala, bilang "Pinaka-Kapuri-Puring Artista ng Dekada", kabilang ang mga sumusunod (in alphabetical order): Nora Aunor, Rustica Carpio, Allen Dizon, Emilio Garcia, Anita Linda, Sid Lucero, Coco Martin, Cesar Montano, Gina Pareño, Cherry Pie Picache, at Vilma Santos.



Sa kung anumang kadahilanan, hindi nakarating ang karamihan sa mga nabigyang-pagkilala.



Sa mga aktor, dumalo sina Allen Dizon, Emilio Garcia, Sid Lucero at Coco Martin. Sa mga aktres, tanging si Gina Pareno ang nakasipot sa ’Gawad Tanglaw’ event.



NORA MISSED; GINA TRIUMPHED. Maningning at buong-kasiyahan ang personal na pagtanggap ni Gina Pareno ng kanyang "Dekada Award" mula sa Gawad Tanglaw, who honored her with a Best Actress award in 2007 para sa pelikulang Kubrador (2006) ni Direk Jeffrey Jeturian.



Ang naturang pelikula rin ang nagbigay ng iba’t ibang karangalan (best actress) kay Ms. Gina, mula sa mga prestihiyosong international film festival, tulad ng Osian Cinefan, sa New Delhi, India; Amiens, France; at Brussels International Filmfest, sa Belgium.



"Salamat po at hindi n’yo pa po ako nakakalimutan," natutuwang sabi ni Ms. Gina. "Isang malaking karangalan po itong award na ito, at isa pa, nakasama ko kayong muli. Salamat at magandang hapon po!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, ang Superstar na si Nora Aunor, ayon sa kanyang personal manager, Boy Palma, ay walang natanggap na imbitasyon at pakikipag-coordinate mula sa mga bumubuo ng Gawad Tanglaw.



Gayunman ay buong-puso ang pasasalamat ni Ms. Aunor sa mga guro at Akademisyan na nagkaloob ng panibagong pagkilala sa kanyang kakayahan bilang aktres.



Nagpahatid din ng mensahe si Ate Guy sa pamamagitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal):



"Hindi man po ako naging ganu’ng ka-aktibo sa paggawa ng pelikula, nitong nakaraang mga taon, taos-puso po ang pasasalamat ko sa Gawad Tanglaw, sa pagkilala nilang ito at sa pagbibigay-halaga sa aking munting naiambag sa industriya ng pelikula."



Kinilala ring Aktres ng Dekada si Nora Aunor, para sa kanyang natatanging pagganap sa Naglalayag (2004) na binigyan ng kaukulang papuri ng samahan, matapos manalo si Ms. Aunor ng parangal para sa Maryo J. delos Reyes film sa Manila Film Festival (June 2004); at noong Nobyembre ng taon ding iyon sa Brussels International Film Festival of Independent Cinema sa Belgium.



MESSAGE FROM GOV. VI. Mayroong ipinadalang mensahe si Governor Vilma Santos-Recto na binasa ng isang propesor.



Ayon kay Governor Vi.: "Ang aking lubos na pasasalamat [sa Gawad Tanglaw] para sa tatlong beses na pagwawagi ko, bilang Pinakamahusay na Aktres sa tatlong magkakaibang pelikula, tulad ng Dekada ’70 [2002], Mano Po 3 (My Love) [2003], at In My Life [2009].



Si Gov. Vi ang unang recipient ng Kapuri-Puring Aktres (award) ng Gawad Tanglaw, noong 2002, para sa Dekada ’70 ni Chito Rono. Sa mga sumunod niyang pagwawagi ng Gawad Tanglaw, para sa mga pelikulang dinirek nina Joel Lamangan at Olivia Lamasan, respectively, ay nakatulong si Vilma Santos sa pagpapaangat sa antas ng pagganap na napaparangalan.



"Para sa akin, ito po ay maituturing kong napakalaking inspirasyon; at ang paulit-ulit na pagtanggap ng karangalan ay magsisilbing isang lakas at buhay, upang patuloy na magsikap at paunlarin ang sining ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Muli, nais kong magpasalamat sa publikong sumusuporta sa akin at sa mga kasapi ng Gawad Tanglaw.



"Nais ko rin pong pasalamatan ang aking mga constituents, sa Batangas, sa kanilang patuloy na pag-suporta; at ang mga kasamahan ko sa larangan na aking napagtagumpayan, sa mahabang panahon.



"Mabuhay ang Gawad Tanglaw! Mabuhay ang pelikulang Pilipino!



COCO ’COMMOTION.’ Sa mga aktor, pinakamaagang dumating sina Allen Dizon at Sid Lucero. Sumunod sina Emilio Garcia at Coco Martin bago magsimula ang pagpaparangal sa kanila.



Nagsimula ang seremonyas ng dakong ika-4 ng hapon, sa pamamagitan ng isang invocation, sabayang pag-awit ng Lupang Hinirang, choir rendition, at ’dance medley’ number (mula sa AB Communication Arts students ng PHC), bilang tribute sa napiling "Sampung Pinakamahuhusay na Pelikula" ng taong 2011.



Kabilang dito ang mga sumusunod na pelikula (at mga direktor) [in alphabetical order]: Ang Babae Sa Septic Tank (Marlon Rivera), Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa (Alvin Yapan), Amok (Lawrence Fajardo), Busong (Auraeus Solito), Ka Oryang (Sari Lluch Dalena), Ligo Na U, Lapit Na Me (Erick Salud), Niño (Loy Arcenas), Patikul (Joel Lamangan), Six Degress of Separation From Lilia Cuntapay (Antoinette Jadaone), at Zombadings (Patayin Sa Shokot Si Remington) [Jade Castro].



Ang pormal na pagbubukas ng palatuntunan ay ginawa sa pamamagitan ng mga talumpati at pagbibigay-karangalan sa mga Akademik ng Taon (teacher/professor awardees), mula sa mga bumubuo ng Gawad Tanglaw: Prof. Teresita Bagalso, Pangulo; Dr. Jaime Gutierrez Ang, at Dr. Flaviano Lirio, ang kinikilalang haligi at pundasyon ng Gawad Tanglaw.



Ipinakilala rin ang iba pang bumubuo ng Samahan ng mga Akademiko-Krikito, kabilang sina: Dr. Florita Miranda, Dr.Alfonso Loreto, Bb. Rowena Morta, Dr. Belinda Moreno, Prof. Debbie Llamas; at mga Tagapayo, kabilang sina Dr. Rustica Carpio, Francis Villacorta, Lourdes Fabian, at Nanette Inventor.



Sa kalagitnaan ng pagpapakilala at talumpati ay narinig sa loob ng malaking bulwagan ang malalakas na hiyawan at tilian mula sa labas ng venue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ang dahilan niyon ay ang pagdating ng popular actor na si Coco Martin. Hindi man niya nais na ma-disrupt ang awards proceedings ay walang magawa si Coco dahil sadyang maraming fans ang natuwa nang makita siya sa Perpetual Help College campus.



Matapos makaupo sa gawing kanan ng bulwagan, katabi ang Kapamilya child actress na si Xyriel Manabat (Best TV Child Actress, for 100 Days To Heaven ng ABS-CBN), patuloy na pinagkalumpunan si Coco ng mga teen student fans niya, para magpa-picture at magpapirma ng autograph.



Dalawang parangal ang iginawad kay Coco Martin ng Gawad Tanglaw: Aktor ng Dekada at Best Performance by An Actor in a Drama Series, para sa Minsan Lang Kita Iibigin ng ABS-CBN.



Matapos tanggapin ang parangal pan-telebisyon ay buong-lugod na nagtalumpati si Coco. As recorded by PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), narito ang kabuuan ng speech:



"Nagpapasalamat po ako sa Gawad Tanglaw, sa panglimang karangalang ibinigay nila sa akin, mula noong nag-i-indie (films) pa ako [para sa mga pelikulang Kinatay at Noy]; at [sa telebisyon], para sa Tayong Dalawa, Kung Tayo’y Magkakalayo, at ngayon, sa Minsan Lang Kita Iibigin.



"Sana po, next year, magkita-kita po tayo [uli], para sa Walang Hanggan..." kuwelang banggit pa ni Coco.



"Gayunman, nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga guro, na nagtitiwala sa aking abilidad sa pag-arte; sa lahat po ng mga artista at mga direktor, producer, mga kaibigan ko, na nagturo at naging inspirasyon ko sa aking trabaho, para pagbutihin ko ito..."



"Salamat po sa ABS-CBN, sa napakagandang oportunidad na ibinigay po nila sa akin; kay Tita Cory Vidanes, kay Ma’am Charo Santos, kay Sir Gabby Lopez, at kay Mr. Deo Endrinal."



Matapos ang kanyang talumpati, hindi na nakapag-stay si Coco sa venue para sa photo-ops at mahabang media interviews. He had to be escorted on his way outside the venue dahil sa lahat ng mga artistang dumalo, si Coco ang talagang mina-mob fans!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GAWAD ’SEPTIC TANK.’ Si Eugene Domingo, bidang aktres ng Ang Babae Sa Septic Tank, ay solong tumanggap ng mga parangal para sa much-celebrated 2011 indie film ng debuting director, Marlon Rivera.



Pinarangalan ng Gawad Tanglaw ang pelikula sa apat na kategorya: Best Film (Atty. Joji Alonso of Quantum Films, Producer), Direction (Marlon Rivera), Lead Actress (Eugene Domingo), at Screenplay (Chris Martinez). Pag-uulit ito ng parangal na napagwagian ng apat na sangkot sa produksiyon, sa 7th Cinemalaya Independent Film Festival and Competition, noong nakaraang taon (2011).



Dahil walang nanalong co-stars ni Eugene, wala rin sina Kean Cipriano, JM De Guzman at Cai Cortez sa naturang awarding ceremony. Wala rin ang producer na si Atty. Joji Alonso at maging ang direktor at screenwriter.



Pero masayang-masaya si Ms. Eugene, na pinasalamatan ang kanyang mga kasamahan sa produksiyon at ang Star Cinema "na tumulong sa commercial release."



"Sana, lagpasan ninyo itong taon ng pagbibigay-parangal... [at] gusto ko lamang pong ibahagi sa inyo na kahit saan makarating ang ating mga pelikula, sa ibang bansa; anumang rekognisyon ang makuha ng ating mga pelikula, ay wala pa ring mas importanteng rekognisyong galing sa iyong mga kababayan!"



MARTIN ESCUDERO’S FIRST ACTING AWARD. Ang napiling Best Actor na si Martin Escudero, para sa Zombadings: Patayin Sa Shokot Si Remington, is a truly refreshing new acting find na agad napansin ng Gawad Tanglaw.



"Ito po ang unang acting award na natanggap ko. Salamat sa bumubuo ng Origin8 Media, our director, Jade Castro, at ang producer na si Raymond Lee, at ang writer na si Michiko Yamamoto. Siyempre, sa aking pamilya [salamat din]," simpleng pagte-"thank you" speech ni Martin Escudero.



Ang best supporting actor, na mula rin sa Zombadings, si Kerbie Zamora, ay "no-show" sa event. First award din ito ni Kerbie, who was represented by his manager.



Hindi rin nakarating ang best supporting actress winner na si Ms. Fides Cuyugan-Asencio mula sa Cinemalaya entry na Niño.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Wala ring representative ang indie film na Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa, na nanalong Best Music Score (Christine Muyco at Gemma Pamintuan). Pero namataan ang pagdalo ni Antoinette Jadaone (Best Story for Six Degrees of Separation From Lilia Cuntapay).



Sa iba pang technical awards, mabunying muli ang awardees mula sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story, sina Carlo Mendoza (Best Cinematography) at ang team nina Jason Cahapay at Ryan Orduna (Best Editing). Kapapanalo lang nila nang sinundang gabi, sa 28th PMPC Star Awards for Movies at sa Metro Manila Filmfest, noong December 2011.



SPECIAL AWARDEES. Sa dami ng special awardees at parangal sa iba pang larangan, kailangang bilisan ng Gawad Tanglaw ang proceedings. Tinatawag lang sa stage ang mga awardees, upang ibigay ang certificates at medallion, at kung gustong mag-speech ay bibigyan ng maikling panahon para sa talumpati. Natapos ang kabuuan ng Gawad Tanglaw Awards ceremonies sa ganap na ika-6 ng gabi.



Kabilang dito sina Direk Joel Lamangan [Gantimpalang Jaime G. Ang Presidential Jury Award for Excellence in Film], Mr. Nestor U. Torre [Gawad Tanglaw Sa Sining ng Mass Media], Ms. Bella Flores [Gawad Romeo Flaviano I. Lirio, Para Sa Sining At Kultura, Chairman Emeritus Award], Ms. Charo Santos-Concio [Gawad Tanglaw Sa Sining ng Telebisyon]; at Governor Jorge "ER" Estregan-Ejercito, ng Laguna [Gawad Tanglaw Sa Sining Ng Pelikula].



Dumalo si Direk Joel Lamangan, para sa kanyang special award at sa Student Choice Award for Best Film ng kanyang Patikul (tinanggap ang award ng line producer, Dennis Evangelista). Lamangan stressed the importance of Gawad Tanglaw, sa pagsulong nito sa mga "Artista ng Bayan."



Ang iba pa, tulad nina Nestor Torre ng Philippine Daily Inquirer, Ms. Bella Flores at Ms. Charo Santos-Concio ay pawang "no-show"
rin sa event. Ang parangal, bilang Best TV Station, para sa ABS-CBN na si Ms. Charo ang Presidente, ay tinanggap ni Mr. Bong Osorio, head ng ABS-CBN Corporate Communications Department.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GOV. ER’s SECOND RECOGNITION. Bagama’t hindi napiling Best Actor ng Gawad Tanglaw, sabi ni Gov. ER, "Ako po’y natutuwa, na ako’y nakatanggap ng parangal na ito (Gawad Tanglaw Sa Sining ng Pelikula)."



At muling ipinagmalaki ni Laguna Governor ER Ejercito ang katatapos niyang pananalo ng Best Actor sa 28th PMPC Star Awards for Movies para sa Asiong Salonga biopic.



"Kagabi, nakatanggap po ako ng aking kauna-unahang best actor award, after 28 years, from the Philippine Movie Press Club’s Star Awards for Movies. Salamat po sa PMPC!



"Sa akin po, ang pagiging artista ay isa ring pagbibigay ng serbisyo publiko, sa telebisyon, sa entablado, at sa pelikula," sabi rin ng actor-politician.



OTHER AWARDEES. Sa Telebisyon, 14 na parangal ang ipinagkaloob, para sa ABS-CBN at 3 sa ANC; 5 sa GMA-7; 2 sa TV5; at 1 para sa PTV-4.



Kabilang dito ang mga sumusunod:

TV Station of the Year - ABS-CBN
Best News Programa - Bandila/ABS-CBN at 24 Oras/GMA
Best News Program Anchors - Julius Babao- Bandila/ABS-CBN at Vicky Morales- Saksi/GMA-7
Best Educational TV Program - Matanglawin (ABS-CBN)
Best Talent Search Program - Talentadong Pinoy (TV5)
Best TV Documentary - Storyline (ANC 2)
Best Public Affairs Program - Public Atorni (TV5)
The Bottom Line (ABS-CBN)
Best Public Service Program - Bantay OCW With Susan K (PTV4)
Best Investigative Program - Imbestigador (GMA-7)
Best Gag Show - Bubble Gang (GMA-7)
Best Morning Show - Umagang Kayganda (ABS-CBN)
Best Travel Show - Travel Time (ANC)
Best Sports Program - Sports Unlimited (ABS-CBN)
Best Variety Show - ASAP (ABS-CBN)
Best Lifestyle Program - Executive Class (ANC)
Best Magazine Show - Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA-7)
Best Drama Anthology - Maalaala Mo Kaya? (ABS-CBN)
Best Drama Series - 100 Days To Heaven (ABS-CBN)
Best Performance by An Actress (Single Performance) - Helen Gamboa (MMK’s "Parol")
Best Performance by An Actor (Single Performance) - Enchong Dee (MMK’s "Parol")
Best Performance by An Actress (Drama Series) - Xyriel Manabat (100 Days To Heaven)
Best Performance by An Actor (Drama Series) - Coco Martin (Minsan Lang Kita Iibigin)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



RADIO AND PRINT. Kung wala man ang karamihan sa mga naparangalan, para sa pelikula at telebisyon, marami namang Gawad Tanglaw awardees (mga Kapuri-Puring Pinarangalan) ang dumalo, para sa larangan ng Radyo at Pamamahayag (Radio Broadcast and Print Media).



Kabilang dito ang mga sumusunod:

Best Radio/TV Anchors - Bro. Jun Banaag, Anthony Taberna at Jerry Baja
Best Radio DJ - Bro. Jun Banaag (Dr. Love)
Best FM Station - YES-FM
Best AM Station - DZMM (ABS-CBN)
Best Radio Station - DZBB (GMA-7)
Best Educational Radio Program - Art 2 Art (DZRH)



Best Newspaper Columnist (Tabloid) - Ellen Tordesillas (Abante)
Best Fashion Magazine - GARAGE
Best Entertainment Columnist (Filipino): Dindo Balares (Balita) at Cristy Fermin (Various publications)
Best Entertainment Columnist (English): Dolly Anne Carvajal (Philippine Daily Inquirer) at Ricky Gallardo (various)
Best Newspaper - Balita (Filipino) at Manila Bulletin (English).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN