Christopher de Leon back to being Kapuso: "GMA is doing very well."

by Rachelle Siazon
Apr 16, 2021
Award-winning actor Christopher de Leon on being back in GMA-7: "It's very exciting kasi bago yung mga materials, bago yung mga tao, bago yung environment. Ang sarap gawin. I'm very happy to be part of this project."
PHOTO/S: I Can See You: The Lookout

Masayang pahayag ng nagbabalik-Kapuso at award-winning actor na si Christopher de Leon, 65, "Maganda itong paglipat din sa GMA."

Huling napanood si Christopher sa Love Thy Woman, ang ABS-CBN prime-time series na umere mula February hanggang September 2020.

Simula April 19 hanggang April 23, 2021, mapapanood si Christopher sa mini-series na I Can See You: The Lookout, ang drama anthology sa GMA Telebabad.

Sa virtual presscon ng The Lookout ngayong Biyernes, April 16, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christopher sa kanyang paglipat sa GMA-7, at sinabi niyang may kasunod na siyang gagawing proyekto bilang Kapuso.

"I'm grateful ginawa ko ito with GMA. And I'm doing another one after this, and then merong gagawing... isa na namang out-of-the box material for GMA.

"So, wow. GMA is doing very well.

"And I thank God for blessings coming our way."

Sa GMA Network, ang huling mga proyektong ginawa ni Christopher ay nang maging guest cast member siya sa TODA One I Love (2019) at sa prime-time series na Kambal, Karibal (2017-2018).

Continue reading below ↓

ENOUGH TIME TO PREPARE

Humanga si Christopher sa sistema na maagang naibigay sa kanya ang materyal para sa crime thriller na The Lookout.

Gagampanan niya ang papel na Dr. Robert Penuliar, ang may-ari ng bahay na pagpaplanuhang looban nina Jason (Adrian Alandy) at Emma (Barbie Forteza).

Malaking bagay raw kasing napaghahandaan niya nang husto ang kanyang trabaho.

Sabi ni Christopher: "I always say hindi ako magaling. Magaling lang ako pag prepared ako...

"Especially with I Can See You, this is a good break also.

"We were talking about the material that we have right now. I'm very happy. It's very good. It's very nice.

"I'm happy that GMA is doing materials like this now."

Hindi raw naging sagabal ang bubble taping para maitawid nang maganda ang kanilang mini-series.

"The creativity of the new breed of directors and writers, nag-jive, especially right now na ang bubble taping because of the pandemic.

Continue reading below ↓

"Ang taping namin right now is few characters ang kailangan gawin kasi mahirap gumawa ng big scenes.

"Yung writers, nagkroon sila ng beautiful and creative adjustment, na naging very personal yung material like this, The Lookout series.

"Nagkakaroon sila ng ideas that are really out of the box."

MAKING FRIENDS WITH HIS CO-STARS

Kuwento pa ni Christopher, nag-enjoy siyang makatrabaho sina Barbie Forteza, Paul Salas, Adrian Alandy, Arthur Solinap, at iba pang cast members ng The Lookout.

"And I have new friends! God bless them," nakangiting saad ni Christopher.

Dugtong niya: "I get my energy from them. They're all professionals. They're prepared what the next scene is.

"They get into their character right away. Pagkatapos ng take, pakawala uli.

"I get inspired by their enthusiasm to work.

"And it's very exciting kasi bago yung mga materials, bago yung mga tao, bago yung environment. Ang sarap gawin.

"I'm very happy to be part of this project."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning actor Christopher de Leon on being back in GMA-7: "It's very exciting kasi bago yung mga materials, bago yung mga tao, bago yung environment. Ang sarap gawin. I'm very happy to be part of this project."
PHOTO/S: I Can See You: The Lookout
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results