Watch Now

Kyle Echarri supports Francine Diaz teamup with Seth Fedelin

by Melba R. Llanera
Sep 20, 2022
Kyle Echarri, Francine Diaz, and Seth Fedelin
Happy with his solo career, Kyle Echarri (left) has nothing but good words for former leading lady Francine Diaz and her new loveteam partner Seth Fedelin (right).
PHOTO/S: Sany Chua / @francinesdiaz Instagram

May fans pa ring umaasang magkakatambal ulit sina Kyle Echarri, 19, at Francine Diaz, 18, sa mga susunod nilang proyekto sa ABS-CBN.

Ito ay sa kabila na sa ngayon ay ginu-groom si Kyle as solo actor at si Francine ay ipinapareha na kay Seth Fedelin, 20.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagbigay ng mensahe si Seth sa KyCine fans na sumusuporta sa kanila.

"Hindi namin ipinapakita sa inyo pero siyempre alam ko at alam ni Francine na yung suporta ninyo ay napakalakas. You guys are supporting us since day one.

"We're maybe in different paths now, but thank you for still supporting us pa rin.

"Ako, I love you guys. Thank you guys for the support pa rin.

"Sa mga hindi nang-iwan, sa mga iniwan ako, okay lang, walang problema. I love you all, and sana masaya pa rin kayo."

Ayon pa kay Kyle, bukas pa rin ang komunikasyon nila ni Francine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Oo naman, whenever she has projects, I'll tell her congrats and she tells me congrats when she finds out about my projects."

Nang tanungin kung ano ang nami-miss niya sa dating kapareha, tila umiiwas naman si Kyle na maisyu dahil may iba nang ka-love team si Francine.

"I won't say anything too much kasi baka kung ano pa ang iisipin ng mga tao. Ang sasabihin ko lang ngayon, masaya ako and I'm happy where is my career now."

Suportado ni Kyle ang tambalang SethCine o Seth at Francine na bibida sa seryeng Dirty Linen. Si Seth ay dating leading man at ex-boyfriend din ni Andrea Brillantes.

Tinagurian silang apat na "Gold Squad" dahil sa pagsasama-sama nila sa defunct Kapamilya drama series na Kadenang Ginto.

"Masaya ako para sa kanila, they deserve it. They have a good show coming which is Dirty Linen.

"Kaibigan ko rin kasama dun si Zanjoe [Marudo]. Mukhang it's really gonna be a good show. Dapat abangan yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON GOING SOLO

Para kay Kyle, masaya siya ngayon as a solo artist at walang kapareha na identified sa kanya lalo't di siya nawawalan ng mga proyekto sa Kapamilya network.

"I'm happy. I'm doing stuff which is not in my comfort zone, something na hindi ko nagagawa dati.

"Masaya ako dahil pinagkakatiwalaan ako ng ABS-CBN, at hindi pa rin nila ako pinababayaan.

"Marami akong ginagawa na hindi ko pa puwedeng sabihin, pero dapat niyong abangan.

"Isa dun yung Kiss Master. You will find out about it soon. This is under Star Cinema, it's a one-part series and kasama ko si Kaori [Oinuma] dun, and Joao [Constancia].

"I will also have a project that I am announcing very, very soon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KYLE IS SINGLE

May girlfriend ba siya ngayon?

Sagot ni Kyle, "Wala, trabaho muna."

Sa huli ay kinumusta namin kay Kyle ang nakababatang kapatid na si Isabella na na-diagnose na may brain tumor nung May.

Sabi niya, "She's getting better. I won't talk about it too much pero all I can say is thank you guys so much for all the prayers. Maraming-maraming salamat talaga."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Happy with his solo career, Kyle Echarri (left) has nothing but good words for former leading lady Francine Diaz and her new loveteam partner Seth Fedelin (right).
PHOTO/S: Sany Chua / @francinesdiaz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results