Kris 'inaapi' si James

IMAGE 0


Masayang nagkukulitan ang mag-asawang Kris Aquino at James Yap habang iniinterview sila ni Boy Abunda sa set ng Homeboy noong Martes, Oct. 24. Ang episode na ito ang magsisilbing birthday presentation ng naturang talk show, na ipapalabas ngayong umaga sa ABS-CBN. Pabirong sinabi ng basketbolista na "Inaapi niya [Kris] ako," patungkol sa pagbubuntis ng kanyang misis.


Lalong naging maselan ang kondisyon ngayon ng TV host-actress na si Kris Aquino kung ang naging pahayag ng asawa nitong basketbolista na si James Yap ang pagbabatayan.

“Inaapi niya [Kris] ako,” nakangiting sabi ni James patungkol sa pagbubuntis ng kanyang misis.

Nangyari ito sa taping ng Homeboy noong Martes, Oct. 24, kung saan kabilang sa mga bisita sina Kris at James. Ito ang magsisilbing birthday presentation ng Homeboy host na si Boy Abunda, na ipapalabas ngayong Biyernes sa ABS-CBN.

Ikinuwento ni James ang isang insidente noong nasa La Union siya para sa isang out-of-town game ng koponan niyang Purefoods. Pagod daw siya mula sa maghapong practice kaya napasarap ang tulog niya sa loob ng van pabalik ng Manila.

Nagising daw si James ng 7:30 ng umaga, at hindi niya namalayan ang maraming beses na pagtawag ni Kris sa kanya upang kamustahin sana siya. Nang mag-return call ang kasalukuyang MVP ng PBA ay agad siyang tinalakan nang todo-todo ng kanyang misis. Para raw hindi masira ang kanyang araw, ayon kay James, ay isinara na lamang niya ang kanyang telepono.

Ikinagulat din daw ni James ang biglaang pagkakaroon ng tantrums ni Kris dahil lamang sa isang “weird dream.”

Si Kris na ang nagkuwento tungkol dito, “Like kanina, I woke up crying dahil [in my dream] ang laki-laki ng tiyan ko, pagkatapos iniwan niya ako at sumama siya sa mga barkada niya sa Boracay. And I woke up really crying.”

Ikinagulat ito ni James dahil kagigising lang daw nila ay inaaway na siya ni Kris dahil sa naturang panaginip.

Minsan naman daw ay naglambing si James kay Kris at napansin nito ang paglaki ng boobs ng asawa kaya nag-one liner ito: “Ang laki-laki na ng boobs mo!”

Hindi raw ito nagustuhan ni Kris kaya nasermonan niya uli ang mister. Sabi ni Kris, “Siyempre pinagalitan ko siya [James] dahil it’s understandable because I’m pregnant. What does he expect, di ba?”

Isa pang pagbabago sa tumataas na level na pagbubuntis ng actress-TV host ay ang di nito pagkain kapag hindi siya mismo ang nagluluto ng pagkain.

“Basta ako ang nagluluto,” ayon kay Kris. “I have to cook the food. Ang hirap talaga, di ba? I cook my lunch every day. So kanina, yung chicken curry. Siguro it’s the Kapampangan in me kaya I [also] cooked fresh talangka.”

Isa pa raw sa pinaglilihian ng host ng Game Ka Na Ba?, Kapamilya Deal Or No Deal, at The Buzz ay ang amoy ni James. Pero ayaw na raw ni Kris ngayon ang amoy ng asawa dahil nagpapabango na siya.

“Okay sa akin ang baby-powder scents,” sabi ni Kris.

Kahit na raw sa magiging baby nila ay magkaiba sila nang gusto. Kung si Kris ang masusunod ay mas gusto niya ang babae, pero tatanggapin din naman daw niya kung magiging lalake ang kanyang isisilang.

Gustong-gusto ni Kris ang baby girl dahil gusto niya raw itong gawing artista. “Para may mini-me,” masaya niyang sabi. “Kasi, di ba, very exciting kung anong gown ang isusuot ko, ‘yon din ang suot niya? Gustong-gusto kong ayusan siya.”

Singit naman ni James, “Ako, gusto ko lalaki at gusto kong maging basketball player siya. Tuturuan ko siya ng basketball. Di ba, magandang tignan ang father and son na naglalaro?”

Bago natapos ang palabas ay nagpasalamat si James kay Boy dahil kundi raw dahil sa kanya ay di pa sila nakasal ni Kris, at higit sa lahat ay wala raw little baby ngayon sa sinapupunan ng kanyang asawa.

Pinasalamatan din ni James si Kris. Aniya, “Salamat din sa asawa ko dahil nakikita ko ang kanyang full support, at kahit buntis siya ay ipinagluluto pa rin niya ako ng pagkain.”

Ayon naman kay Kris, “Sorry dahil I explained to him [James] na di ako magsusungit sa mga show ko at every day kailangan kong maging mabait. Kaya pag-uwi ko sa bahay, sa kanya ko lahat nabubuhos ang tantrums ko. Thanks talaga sa patience mo sa akin.”

Dagdag pa ni Kris, “The best part of being pregnant is may assurance na buo ang family natin, and our child will grow up in a loving and supportive family. And I hope na tayong dalawa will really be good parents and to continue to love and support each other.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN