Angelica Panganiban umaming kasama si Derek Ramsey sa Boracay

IMAGE 0


Blooming at 20: Angelica reveals her special relationship with the Super Inggo mainstay.


Binigyan ng solo press con ng Star Magic ang isa sa prime talents nila na si Angelica Panganiban kagabi, November 9, sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Angelica just turned 20 last November 4 and according to the young actress, pamilya niya ang kasama niyang nag-dinner noong mismong araw ng birthday niya. But before her birthday, natupad ang wish niyang makapagpahinga sa Boracay when she went there with her friends for a four-day vacation.

Una rito, sa press con ng current film ni Angelica na Pitong Dalagita noong November 7 sa Virgin Café, sinabi nitong wala raw silang kasamang lalake nang nagpunta sila sa Boracay. Pero kagabi ay umamin ang young actress na totoong kasama nila ang nali-link sa kanya ngayong si Derek Ramsey gaya ng napapabalita.

"Yes, kasama siya sa Bora," pag-amin ni Angelica. "Kaming tatlo nila ni Michelle [Madrigal] ang mga artista, although eleven kaming lahat. Kasama rin namin ang make-up artist ko at iba pang friends."

Birthday treat daw ni Angelica sa mga kaibigan ang pagpunta sa Boracay kaya siya ang nag-shoulder ng expenses. Pero nilinaw niya na hindi niya inilibre si Derek.

"Siya [Derek] yung nagbayad ng sa kanya," ani Angelica. "Kasi, ang nangyari, hindi naman talaga siya originally kasama. Tapos, last minute na lang nang sabihin niya na sasama rin daw siya kaya ‘di ko na siya nalibre. Ayaw rin naman daw niyang palibre sa akin."

Nang tanungin kung ang model-actor ang special guy ngayon sa buhay niya, tumawa muna si Angelica at sinabing: "Not naman special. Pero siyempre, siya yung pinakabago kong kaibigan sa lahat ng nandoon [sa Boracay]."

Dagdag pa niya: "So far, wala pa naman... Masyado pang maaga para magsalita. Kakakilala lang namin. Masaya lang kami na magkasama."

Bago pa ma-link si Derek kay Angelica, minsan na rin siyang na-link sa isa pang "Angel"—si Angelika dela Cruz. Sa ngayon, mapapanood si Derek bilang Machete/Sir Louie sa ABS-CBN fantaserye Super Inggo.

Sinabi rin ni Angelica na marami raw birthday gifts sa kanya si Derek, pero kahit anong pilit namin ay ayaw niya talagang i-reveal kung ano-ano ang mga ito. Ibinigay raw sa kanya ni Derek ang mga ito one week before her birthday.

"Basta, secret! Madami... Kung mahal? Hindi ko alam. Hindi ko pa natitingnan kung magkano," tawa pa niya.

Ikinuwento rin ni Angelica kung paano sila naging close ni Derek: "Tumatawag siya sa phone ko, e number lang [ang lumalabas]. So, ako, sino naman ‘to? Tapos, nang-aasar siya kasi dapat may Maalaala Mo Kaya [MMK] kami na hindi ko tinanggap dahil may bed scene. Nakiusap ako na tanggalin ang bed scene, e ayaw ng production. So, sabi ko, next time na lang.

"May common friend kami, si Ga. Parang sinasabi niya [referring to Ga], ‘Bakit hindi mo tinanggap ang MMK ha?' Sabi ko, ‘Ayoko kasing makatrabaho ang kaibigan mo [referring to Derek]. Inaasar ko na ganoon. Tapos, tumawag si Derek sa akin. Sabi niya, ‘Bakit ayaw mong tanggapin ang MMK ha?' So, ako, ‘sino ka?'

"Nagkita kami, nasa Eastwood siya. E, ‘di ba, doon [Eastwood] na nga ako nakatira? Kumakain siya kasama si Ga. Tinawagan ako ni Ga. Sabi niya, ‘Halika baba ka rito. Kasama ko si Derek, kain tayo.' So, bumaba ako. Yun na, doon na kami nagkita. Okay naman kami sa isa't isa. Wala namang ere [si Derek]."

Samantala, itinanggi ni Angelica ang nabalitang nagpalagay siya ng tattoo sa batok niya kung saan nakasulat daw ang pangalan ng bago niyang boyfriend.

"Wala naman akong tattoo," sabi niya, sabay pakita ng kanyang batok. "Kung si Carlo [Aquino] nga, seven years kaming nagmahalan, pero hindi ako nagpa-tattoo. Ayoko ng ganoon," medyo napapangiwi pang sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN