Katrina Halili denies pregnancy rumors

IMAGE 0


'Ganito ba ang katawan ng isang babaeng buntis o nabuntis?,' tanong ni Katrina


Mariing pinabulaanan ng young sexy star na si Katrina Halili angkumakalat na balitang buntis siya at ang itinuturong ama ay angnapabalitang boyfriend niyang si Bullet Jalosjos.

"Ganito ba ang katawan ng isang babaeng buntis o nabuntis?" tilanaghahamong sabi ni Katrina, habang ipinapakita ang hubog ng kanyangkatawan, sa interview sa kanya ng PEP noong November 9 sa Baliwag Grillsa E. Rodriguez, Quezon City.

Idinagdag pa niyang matagal na silang hindi nagkikita ni Bullet at walanaman silang inamin dati na nagkaroon sila ng relasyon before.

Sinabi pa ni Katrina na hindi naman siya nawala sa limelight—tulad ngibang female stars na nabubuntis—kaya napakaimposible raw na buntissiya o maitago ang paglaki ng tiyan sakaling totoo nga ang balita.

Naniniwala si Katrina na bahagi pa rin ito ng paninira sa kanya ng isang tao o grupo ng mga taong naiinggit sa kanya.

"Kilala ko kung sino ang naninira sa akin," pahayag niya. "Alam kong sataong ito galing ang mga ganyang balita. Naniniwala ako sa karma, kayagood luck na lang sa kanya."

Sinabi pa ni Katrina na wala siyang pakialam sa taong ito na naninirasa kanya at ang kanyang umuusbong na showbiz career na lang angpinagkakaabalahan ng Philippines' Sexiest Woman ng FHM. Mapapanood si Katrina sa Gigil ng Regal Entertainment katambal si Alfred Vargas. Tapos na rin siyang mag-shooting para sa Super Noypi,na entry ng Regal sa Metro Manila Film Festival this year. Labas na rinang kanyang sexy DVD pati na ang kanyang commercial para sa isang alak.Napapanood din siya sa Atlantika ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

"Natutuwa ako sa napakaraming dumarating na blessings sa akin," aniya.

Sinabi rin ng StarStruck 1 graduate na ang mga taong sumusuporta sa kanya ang nagsisilbing inspirasyon para lalo siyang magsikap sa kanyang trabaho.

Ani Katrina: "Dumating kasi ako sa point na gusto ko nang iwan angshowbiz e. Kaya lang, after a week pagkatapos kong mag-decide namag-quit sa showbiz, biglang dumating ang maraming projects. So, dapatisipin ko yung positive, [mayroon pang] mga taong sumusuporta atnagtitiwala sa akin at [mga] blessings na dumarating sa akin."

Patuloy niya: "Ang inspirasyon ko sa career ko ngayon ay ang mga taongdahilan kung bakit narito pa rin ako sa showbiz. Sa dami ng mga isyunglumalabas sa akin, ang mga taong ito na nagtitiwala sa akin ang dahilankung kaya nananatili ako rito," nakangiting pahayag ni Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN