Ryan on Juday: 'She has met my expectations'

IMAGE 0


Career ang priority at hindi muna ang usaping kasalan, sabi ni Ryan.


Nagsimula sa ABS-CBN fantaserye na Krystala ang magandang pagtitinginan nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos early last year. Ngayo’y kabilang sila sa kinakikiligang couple ng Philippine showbiz.

Tila napapangunahan na nga ang dalawa dahil sa sari-saring speculations mula sa media at fans kung kailan sila nagbabalak magpakasal. Aminado si Ryan na napag-uusapan din nila ang tungkol dito ni Juday. Kabilang ito sa mga pangarap nila pero career muna ang focus ng binata at the moment.

Mapapanood ang dalawa sa pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo directed by Jose Javier Reyes na entry ng Star Cinema sa forthcoming Metro Manila Film Festival this December. Sinadya namin si Ryan sa SM Megamall noong Lunes, November 13, bago magsimula ang hinu-host niyang Philippine Idol ng ABC 5 upang usisain siya tungkol sa kanila ni Judy Ann and their upcoming movie.

Do you consider Kasal, Kasali, Kasalo your biggest break as an actor?

Definitely, I mean, us [him and Judy Ann] being in a relationship… Aside from that, me working with Judy Ann and me working in a movie for Star Cinema and with Direk Joey is a big opportunity. Ano yan e, tanggalin mo na yung aspeto na kaibigan ko sila, na kami ni Juday [palayaw ni Judy Ann]. Malaking opportunity talaga basta gumawa ka ng pelikula with Star Cinema. Because they really produce quality movies and Direk Joey is an award-winning director and Juday is an award-winning actress. So, opportunities like that for an actor is always welcome.

Tumataas ba ang kumpiyansa mo kapag si Judy Ann ang kasama mo sa pelikula o telebisyon?

Oo naman, malaki ang kompiyansa ko kay Juday at malaki ang kompiyansa ko kay Direk Joey dahil siya rin kasi ang nagdirek ng first movie [Kutob, 2005] ko e. And I really trust the guy. Si Juday naman never gives unsolicited advice. Ako naman kapag may problema sa set, si Direk Joey, matiyagang mag-explain sa akin yan e.’

Yung hindi pagbibigay ni Juday ng unsolicited advice, ground rule ba nila ito o kusa lang iyon ng young superstar?

Kusa lang yon, kusa niya. Ano naman kasi e, hindi naman talaga ako actor, ‘di ba? Parang sumusubok lang ako and siyempre, gusto ko namang ma-impress sila. But at the same time, they don’t wanna pressure me. Pero, definitely, may instance rin na humihingi ako ng kaunting pointers kay Juday pagdating sa acting.’

Nagbago ba ang pananaw mo sa trabaho nang naging mag-on kayo ni Juday?

Ang trabaho sa akin ay trabaho e. Ano lang ngayon siguro, mas magaan din dahil alam mong mayroong honest na magbibigay sa iyo ng, either kapag pangit ay lalaitin ka or kapag maganda ay pupurihin ka. And you’ll know na totoo yung puri or lait, and maganda ‘yung ganung perspective. Ano e, rookie ako sa industriya, I mean, seven years na akong nasa TV [he started when he was only 19], pero baguhan pa rin ako compared to her experience.

Mas inspired siyempre na nandiyan si Juday, pero as I’ve said, ang trabaho sa akin ay trabaho. Propesyon ito, so whether may inspirasyon ka o wala, kailangan mong gawin ang trabaho mo. Kaya lang, with Juday, natututo ako ng magagandang pag-uugali sa set. Kasi siya mabait siya sa set e. Ako, alangan namang maging bakulaw ako sa set o maging barumbado ako, e ‘yung bida mabait. So, natuto akong mag-adjust.

Puwede kaya niyang i-elaborate kung ano ‘yung kanyang bad boy side?

Ha-ha-ha! Talagang… mahirap yatang magsalita e!

Hindi ka ba nagagalit kapag kini-criticize ka ni Juday?

Hindi, kapag ganoon, okay lang e. Kapag kasi masama ang trabaho mo, masama ‘yung ginawa mo, ‘di ba? Talagang ganoon, i-accept mo, ang pikon talo e.

Paano mo idi-describe ang relationship ninyong dalawa?

Masarap, masaya, exciting… Araw-araw ganoon. Kasi, iba iyong interes niya, iba rin ako. Iba ang trabaho niya, iba rin ang trabaho ko. At the end of the day, iyon ‘yung madadala ninyo sa isa’t isa, ‘yung experiences ninyo. And sa amin lang, walang showbiz-an, walang plastikan. Kapag ayaw, ayaw, Kapag gusto, gusto. Ganoon lang kasimple. Kasi mahirap na iyong nakikisama ka sa iba, tapos pati iyong karelasyon mo ay maninimpla ka pa, ‘di ba?

So, ‘yung amin ay magaang dalhin. Ako kasi, alam ko yung lugar ko. Siya rin, alam niya ‘yung kalulugaran niya. Kailangan yun e. Si Juday kasi, hindi naman siya yung tipong porke superstar siya, siya yung masusunod. Ako, hindi naman porke lalaki ako, ang gusto ko ang masusunod. May bigayan sa relasyon namin ni Juday.

Kumusta naman sila bilang mag-boyfriend at mag-girlfriend? Selosa ba si Juday?

Ahhhh… huwag yan! Doon tayo sa magagandang topic. Ha-ha-ha! Pero seriously, ano kasi, maalaga siya, magaling siyang makisama, marunong siyang manimpla and hindi siya yung tipong mangangain nang buhay. Hindi siya yung tipong magte-take over ng buhay mo. Susuporta siya sa yo. In return, kaya siya masarap alagaan, dahil alam mong aalagaan ka rin niya.

Tungkol naman sa akin bilang boyfriend, ehem…Ano, yung magandang traits lang? Ha-ha-ha! Ako, maalaga e. Maasikaso ako, pero tinotoyo rin ako. Kapag tinotoyo ako, very normal din. Yung typical din, I mean, kung ano man yung pinagdadaanan ng ibang tao na halimbawa’y pumapasok sa banko, pumapasok sa opisina, ganoon din kami. Nandoon yung pressure, nasesermunan, hindi dumarating sa appointment, hindi nasusundo. Ganoon din ang pinagdadaanan namin ni Juday. Hindi perfect yung relationship namin, pero masarap siya. Alam mo yun?

Yung tipong napapatingin ka sa ibang chicks, tapos yari ka. Pero ganoon ka-normal ang relasyon namin ni Juday, as normal as it can get. I mean, yung tipong, ‘O, ako naman ang mamimili ng sine ngayon kasi tatlo na yung napili mong palpak.’ Tapos yung mga restaurant na kakainan namin, yung tipong, ‘Ang tagal mo namang um-order.’ Yung mga ganoong tipo. Yung kapag nagsa-shopping ay ang tagal-tagal. Very typical na tulad din ng sa iba. Ganoon kami ka-normal ni Juday.

Sa tingin mo ba magtatagal talaga ang relationship ninyo?

Sobra pa roon, sobra pa sa kalahati. Kasi hindi kasi ako corny na tao e. Romantic type ako pero hindi ako yung tipong… Kasi very realistic ang tingin ko sa relationship namin. Very realistic ako sa expectations ko about whatever I do, myself, my partner and whoever. And so far, she has met my expectations. And yun pa lang, kumbaga, panalo na. And as we go along, nagkakakilanlan pa kami at nagkakasorpresahan pa rin kami. And magaganda yung mga sorpresang dumarating.

So, sana, malayo ang maabot nitong relasyon namin ni Juday and sa tingin ko naman, confident ako na malayo ang mararating ng relationship namin. Kasi hindi naman ako pumapasok sa relasyong patapon. Ayoko ng nagsasayang ng oras e. Hindi ako pumapatol sa relasyon na sa palagay ko ay laro lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN