Diether Ocampo, Kristine Hermosa magpapakasal sa 2007

IMAGE 0


Eksklusibong kinumpirma ni Diet sa PEP na sa September 2007 ang kasal nila ni Tin Tin.


Mismong si Diether Ocampo ang nagkumpirma na pinaplano na nila ni Kristine Hermosa ang pagpapakasalsa 2007. September ang buwang napili ng magkasintahan para raw kungsakali ay maisabay sa birthday ng young actress.

"May plano na talaga kami, pinaghahandaan na lang namin," sabi niDiether sa panayam sa kanya ng PEP noong November 3 sa Pizza Hut E.Rodriguez, Quezon City. "This time,we want to make things right. Ayaw na naming magmadali. Gusto namingayusin ang lahat. We want to start right."

Samantala, may mga ‘nanliligaw' daw ngayon kay Diether paratumakbong vice-mayor ng Bacoor, Cavite. Pero aminado naman ang aktor nahindi pa sapat ang kanyang kaalaman sa pulitika kaya nag-aalangansiyang pasukin ito.

"Sa akin lang, ang pulitika kasi parang ‘calling' din ‘yan, e," sabi niya. "Kungnandoon talaga ang kapalaran ko, mapapasok ako diyan. Sa ngayon,nakakatulong din naman ako sa mga kababayan natin kahit hindi akopumasok muna sa pulitika. Saka mas magulo diyan kesa sa showbiz."

Sa ngayon, sa kanyang simpleng paraan ay tumutulong si Diether samga kababayan nating kapus-palad lalung-lalo na sa mga kabataan. Lingidsa kaalaman ng marami, may foundation ang aktor—ang KIDS Foundation—atsa December 14 at 15 ay may fundraising event ito sa Eastwood City,Libis na ang beneficiaries ay ang mga batang may kanser sa NationalOrthopedic Hospital.

Next year ay magiging visible na rin sa TV si Diether. Sa January, mapapanood siya sa Rounin,ang fantasy series ng ABS-CBN. May gagawin din daw silang teleserye niKristine sa susunod na taon, at hopefully, matatanguan na niya angilang movie projects na tinanggihan niya this year dahil sa kanyangbusy schedule.

Patuloy pa rin ang tour ng bandang Blow ni Diether. Kamakailannapanalunan nito ang Best Actor award ng 20th PMPC Star Awards for TVpara sa pagganap niya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN