Richard Gomez confirms political plans

IMAGE 0


Sabi ni Richard, si Lucy very supportive sa mga ginagawa niya -- sa sports, politics o lifestyle


Tuloy na tuloy na ang planong pagsabak sa pulitika ni Richard Gomez sa 2007. Ito ang kinumpirma ni Goma (palayaw ng aktor) nang makapanayam siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP) sa launch ng Love and Conquer perfume ng Bench noong Nobyembre 16 sa Music Hall ng SM Mall of Asia.

"Oo, tuloy ang pagtakbo ko. Lalaban tayo!" bulalas ni Goma.

"Ang plano namin talaga is to run for governor sa Bulacan. Pero maraming nag-co-convince sa akin kung puwedeng mag-Senate na lang ako."

"Sabi ko, tutal malayo pa naman, let me just focus sa isang lugar muna and from there, pag-isipan natin kung anong puwedeng gawin. Wala pa akong party affiliation but once meron na, I'll let you know," pahayag niya.

May balitang magsasama-sama ang lahat ng mga taga-oposisyon at mula sa mabubuo nilang partido pipiliin ang mga magiging kandidato ng United Opposition para sa nalalapit na halalan. Isa ba siya sa mga ‘inaawitan' ng oposisyon?

"Well, you can say that! Actually, no comment dapat. But I guess you can say that!" tawa ng sikat na actor-sportsman.

Ayon kay Goma, matagal nang nagsimula ang kanyang interes sa pulitika. Matatandaan na noong 2001 ay tumakbo siya para sa Party List na MAD (Mamamayan Ayaw sa Droga), pero nang manalo sila sa eleksiyon ay bigla umano silang pina-disqualify ng Supreme Court para sa mga kadahilanang hindi naman napatunayan sa korte.

"But that's water under the bridge. We're starting all over again. The desire to help the people has always been there. The fire has remained hot!" sambit niya.

Aniya, tubong-Bulacan ang kanyang angkan at marami siyang mga kamag-anak na pumasok din sa mundo ng pulitika. Parang itinutuloy lang daw niya ang tradisyon ng kanilang pamilya.

Bukod sa bahay ng pamilya niya ay may bahay na rin daw sila nina Lucy sa San Rafael, Bulacan at madalas siyang nag-iikut-ikot ngayon doon.

Ayon kay Goma, magdedesisyon pa siya kung siya ay tatakbong senador o gobernador. Suportado raw ng maybahay niyang si Lucy Torres-Gomez ang kanyang planong pulitikal.

"Si Lucy is very supportive sa mga ginagawa ko at sa lahat ng endeavors ko whether sports, politics or lifestyle!"

Importante kay Goma ang kanyang pamilya at kung tatanungin siya kung may balak silang mag-asawa na sundan ang anak nilang si Juliana, ay nasabi niyang kapwa gusto nila. Ang problema, aniya, ayaw ni Juliana pang magkaroon ng kapatid.

"I think si Juliana, nag-e-enjoy siya na mag-isa muna siya," sabi ni Goma "Bini-bring up namin ang idea kung gusto na ba niyang [Juliana] magkaroon ng kapatid, pero parang ayaw muna niya. But Lucy and I think na dapat masundan na si Juliana kasi six years old na siya.

"Hopefully, masundan na siya soon. Gusto ko lalaki naman kasi girl na si Juliana e. Hayaan n'yo, ma-delay lang ng one day si Lucy, sasabihin ko agad sa inyo!" natatawang sabi ni Goma sa PEP.

Dagdag ng aktor: "We were hoping that this year Lucy would get pregnant pero malapit na yung December, and it took us a year already. If not, we'll try it again next year."

Nang tanungin si Goma ng PEP kung may napili na silang pangalan para sa kanilang pinaplanong anak, ang sabi niya: "Actually, wala pa. We're just toying [around] the names of Manuel Antonio."

Tulad ni Goma ay excited na rin si Lucy na sundan ang kanilang unica hija.

"Every month nga, feeling ko, buntis ako e!" tawa ni Lucy. "Ganu'n ako ka-ready na mabuntis ulit.

"Ma-delay lang ako ng one day, ‘Buntis na ako! Eto na ‘yon! Eto na ‘yon!' Pero hindi pa pala. So, maghihintay ulit ako," sabi ni Lucy doon pa rin sa Love & Conquer launch.

Ayon kay Lucy ay hindi dahil sa pareho silang busy ni Richard kaya hindi masundan-sundan si Juliana.

"No, not because of work," aniya. "If you remember, it really took me a long time—almost two years—before I actually got pregnant..."

Kinumpirma rin Lucy ang naunang pahayag ni Goma na ayaw pa ni Juliana na magkaroon ng kapatid.

"Lahat naman siguro ng panganay ganu'n, di ba?" sabi ni Lucy. "Feeling nila, mawawalan sila ng trono. So, ayaw niya kunwari. But I'm sure, pag meron na, she likes it na."

Kung si Lucy ang tatanungin ay ayaw niyang pumasok sa showbiz si Juliana katulad nilang mag-asawa.

"Sana talaga huwag," ani Lucy. "Sobrang mahiyain siya e. I can't imagine her na [pumasok sa] showbiz. Ewan ko kung magbabago ‘yon in the future."

Patuloy niya: "But pag kami-kami lang, performer siya. Kumakanta siya, sumasayaw. Maganda ang boses niya, hindi naman siya sintunado. Pero pag may ibang tao, tumitiklop siya. Mahiyain siya talaga."

Kailangan pa raw i-bribe ni Lucy si Juliana para pumayag itong magpa-pictorial o lumabas sa TV. Pero minsan daw ay hinihiritan si Juliana ng mga kaibigan na gusto nilang lumabas sa TV o sa commercials, na akala nila ay ganu'n lang ka-simple dahil napapanood ang parents ni Juliana na lumalabas sa TV.

With a report from Nerisa Almo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN