Miriam Quiambao's first Christmas after separation

IMAGE 0


Sa unang pagkakataon ay hindi makakapiling ng dating beauty queen si Claudio Rondinelli ngayong Pasko.


Ngayong darating na Pasko ay first time na hindi makakasama ng 1999 Miss Universe 1strunner-up na si Miriam Quimbao ang kanyang estranged husband na si Claudio Rondinelli mula nang maghiwalay sila.

Ikinasal sina Miriam at Claudio noong January 10, 2004 sa Boracay.After they got married, sa Hong Kong na sila nanirahan at kinailangangi-give up ni Miriam ang kanyang career dito sa Pilipinas bilang TVhost. They decided to separate two and a half years later.

Ayon kay Miriam ay dalawang Pasko rin silang nagkasama ng kanyangItalian ex-husband. Very memorable at masaya daw sila noong mgapanahong ‘yun hanggang sa dumating nga ang time na hindi nila inaasahanna maghihiwalay sila.

"Kaya nga this Christmas, I'm thankful that I have my family to bewith," sabi ni Miriam sa panayam sa kanya ng Philippine EntertainmentPortal (PEP) sa press con ng bago niyang show sa QTV-11, ang Dahil Sa Iyong Paglisan,noong Sabado, November 18, sa Virgin Café. "Saka come to think of it,tuwing Pasko naman, ang pamilya ko ang lagi kong iniisip even when Igot married."

Aniya pa: "Iba kasi ang Pasko sa ibang bansa. I had my Christmases bothin Italy and Hong Kong. Iba talaga sila mag-celebrate doon. It's not asfestive and joyous tulad dito sa Pilipinas. Kaya kahit na nga afterChristmas, I [made] it a point noon to come home para makasama ko angpamilya ko. Masyado kong nami-miss sila tuwing ganitong mga panahon.But now, I'm here and I will not be missing them na. Kasi dito ulit angPasko ko."

Ayon kay Miriam ay hindi niya sigurado kung mami-miss niya si Claudio ngayong Pasko dahil para sa kanya ay naka-move on na siya.

"I don't know, siguro mami-miss ko rin because masaya naman ang mganaging Pasko namin [ni Claudio]. But now, I think mas focused ako saaking trabaho at pamilya, I might miss him less which is okay for mekasi ayoko ng umiyak ako e," sabi ng beauty queen-turned-TV personality.

"I admit na medyo nandito pa ang pain sa puso ko. Matagal pa ‘yangmawawala talaga. But I'm moving on now. Nasa process pa lang ako naginagawa ko ang lahat para ma-get over ko ang lahat ng pain.

"Hindi madali because kailan lang nangyari," pag-amin niya. "Ilangmonths pa lang naman ang nakalipas. Hindi mabilis na process ito e.It's the failed married life ang nakasentro sa buhay namin ngayon. Idon't want to feel any depression right now kasi marami akong mgakaibigan na sumusuporta sa akin and of course, my family is alwaysthere to keep me safe and happy."

Bukod sa Dahil Sa Iyong Paglisan (Pamilyang OFW) sa QTV-11, napapanood din si Miriam sa late-night public affairs show Palaban with Winnie Monsod and Malou Mangahas at sa travel show na Pinoy Abroad with Paolo Bediones—both shows are from GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN