Camille Prats: 'Hindi kami ni Derek'

IMAGE 0


Nagtataka si Camille sa balitang naghalikan daw sila ni Derek Ramsey samantalang kakakilala pa lang nila.


Tiyempong nasa bahay nila sa may Cainta, Rizal ang young actress na si Camille Prats nang tawagan siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong November 23, upang personal na hingan ng reaksiyon sa lumabas na balitang nakita sila ni Derek Ramsey na naghahalikan sa birthday party ni Deo Endrinal, ABS-CBN executive, sa Teatrino, Greenhills noong November 7.

Ayon kay Camille, ayaw na raw niyang pansinin pa ang isyu dahil unang-una, napakalayo raw nito sa katotohanan.

"Napakaraming tao nung gabing yun sa party, kaya nagtataka talaga ako kung bakit ako yata ang napag-tripan nung sinasabing nagkuwento or nakakita sa akin na nakikipaghalikan!" natatawa na lang niyang sabi sa PEP.

Si Camille—na kilala ngayon sa role niya bilang Kit sa GMA-7 fantaserye na Captain Barbell—ay almost 10 years na naging ABS-CBN talent kaya naman daw siya sumama sa kapatid na si John Prats to grace Deo's party.

Kuwento ni Camille: "Actually, ang saya-saya ko nga after ng party. Pag-uwi ko ng bahay, nagkuwentuhan pa kami ng family ko. Nasabi ko sa kanila na ang sarap ng pakiramdam na nakita ko ulit at nakakuwentuhan ‘yung mga dati kong nakatrabaho sa ABS-CBN especially the people from production. Magtu-two years na rin naman kasi since I transferred from ABS to GMA, kaya nakakagulat na lang talaga na may isyung lasing daw ako at nakikipag-halikan pa."

Takang-taka rin si Camille kung bakit sila naisyu ni Derek to think daw na isang malaking grupo sila nung gabing yun at hindi naman sila halos nagkatabi or nagkausap nang silang dalawa lang. Plus the fact na that was the only time daw na nagkakilala silang dalawa through Angelica Panganiban. And up to now, ni hindi man lang daw niya masasabing kaibigan niya si Derek dahil yun pa lang naman ang insidenteng nagkita at nagkakilala sila.

"Noong lumabas yung isyu, I called up Angelica," paliwanag ni Camille. "Tinanong ko siya kung in case ba na magpapa-interview ako, okey lang sa kanya na sabihin ko ang totoo—which is, hindi kami ni Derek kundi sila talaga ang palaging magkasama? Sabi naman niya, okey lang daw na sabihin ko ‘yun. At sabi pa niya, huwag ko na nga lang daw pansinin ‘yung isyung ‘yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang sa nasabing birthday party ni Deo nagkabati sina Camille at Angelica pagkatapos ng ilang taong hindi nagkikibuan. Nag-ugat ang kanilang alitan nang ligawan si Camille ng boyfriend that time ni Angelica na si Carlo Aquino na naging dahilan din ng pagkakahiwalay ng mag-boyfriend.

Natutuwa rin daw si Camille sa ginawang paglilinaw ni Derek sa S-Files noong Sunday, November 19. Pumayag kasi ang model-turned-actor na magpa-phone patch at klaruhin ang pangalan niya kahit na hindi naman siya taga-GMA kundi taga-ABS-CBN kung saan napapanood siya sa Super Inggo.

Thankful din daw ang dating child actress na sumikat bilang ‘Princess Sarah' kay John "Sweet" Lapus, segment host ng S-Files, na nandun din sa birthday party ni Deo. Si Sweet kasi ang isa sa dumepensa kay Camille at nagsabing hindi ang tipo niyang babae ang gagawa ng ganung bagay.

Tinawanan na lang din daw ni Camille ang karugtong pang isyu na kesyo after the party ay inihatid siya ni Derek sa bahay nila sa Village East, Cainta, Rizal. Puwedeng-puwede raw mapatunayan nina Nikki Gil, Geoff Eigenmann at Luis Manzano na "super-imbento" lang ang intriga sa kanya dahil ang mga ito raw ang naghatid sa kanilang dalawa ni John sa sasakyan nila. Kung may kasabay man daw siyang umuwi ng bahay nila ay bukod-tanging ang Kuya John niya.

With an additional report from Wells Avante


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN