Angel Locsin, excited nang lumipat sa P16-M house niya

IMAGE 0


Kahit hindi talaga ibinibenta ang bahay sa Don Antonio Royale sa Quezon City, gumawa ng paraan si Angel para makuha ito.


Unti-unti nang hinuhulugan ng young actress na si Angel Locsin ang nakuha niyang five-bedroom, two-storey house sa may Don Antonio Royale sa Quezon City. Kahit nga hindi talaga ito ibinebenta ng may-ari, nagawan daw ng paraan ni Angel na mabili ito.



"Gustung-gusto ko kasi ‘yung bahay," sabi ni Angel sa panayam sa kanya ng PEP sa press visit ng shooting ng pelikulang Mano Po 5: Gua Ay Di sa isang warehouse sa Pasig. "Parang tamang-tama lang sa buong pamilya ko. Doon ko na sila ititira lahat para mas tahimik at mas ma-enjoy naman nila ang bagong bahay.



"Ngayon kasi," patuloy niya, "may mga ipinapabago pa ako. Hopefully next year ay makalipat na kami. Excited nga ako kasi first big investment ko ‘yung house at hindi biro-biro ‘yung halaga. Pero worth it naman talaga."



Hindi naman kataka-takang makabili si Angel ng isang multi-million house dahil sa mga kinikita niya ngayon. Mahigit-kumulang sa sampu ang product endorsements ni Angel at ‘yung iba rito ay patuloy na niri-renew ang kontrata niya. Bukod pa rito ang kinikita ni Angel sa TV at pelikula.

Aside from Mano Po 5 na pinagtatambalan nila ni Richard Gutierrez ay nagte-taping na rin si Angel para sa GMA-7 adventure-drama series na Asia Treasures kung saan first time niyang makakapareha si Robin Padilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN