Rustom Padilla still loveless after coming out

IMAGE 0


Hindi natatakot si Rustom na tumandang nag-iisa.


Loveless pa rin ang aktor na si Rustom Padilla mula nang aminin niya ang pagiging gay. Matatandaang habang nasa loob siya ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition early this year ay umamin si Rustom, on national television, na isa siyang bakla.



Nakausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP) si Rustom sa presscon ng Zsa Zsa Zaturnnah na ginanap noong November 27, sa penthouse ng Imperial Palace Hotel.

Nang tanungin tungkol sa kanyang lovelife, sinabi ni Rustom na wala pa rin siyang karelasyon at hindi naman ito ang kanyang priority. Wala rin daw siyang hinahanap na ideal partner. In fact, hindi natatakot si Rustom na tumanda na nag-iisa dahil ang katuwiran niya, lahat tayo ay isinilang na nag-iisa.



Pinaghandaan ni Rustom ang presscon ng Zsa Zsa Zaturnnah dahil nagpagawa pa siya ng belt na may malaking buckle na letter Z.

Kulay pink ang motiff ng presscon kaya white t-shirt na may pink piping ang suot ng ex-husband ni Carmina Villarroel. Siniguro ni Rustom na katerno ng kanyang white and pink outfit ang rubber shoes niya na magkahalong puti at rosas ang kulay.



Natawa si Rustom sa obserbasyon ng entertainment press na kamukhang-kamukha niya ang kanyang nanay na si Mrs. Eva Cariño.



Sinabi ng aktor na mas maganda sa kanya ang nanay niya noong kabataan nito. Kailangan daw nating makita ang litrato ni Mommy Eva para mapatunayan na mas maganda siya kumpara kay Rustom.

Official entry sa 2006 Metro Manila Film Festival ang Zsa Zsa Zaturnnah. Ito ang unang pelikula ni Rustom na gumanap siyang bakla pagkatapos niyang aminin ang kanyang sexual orientation. Una siyang napanood sa isang gay role sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya opposite Gardo Versoza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN