Sandara Park admits fading popularity

IMAGE 0


Ayon kay Sandara, nagbago na ang trato sa kanya ng fans nang tumamlay ang takbo ng career niya.


Nagpapakatotoo si Sandra Park nang sabihin nito na nagbago ang trato sakanya ng fans nang tumamlay ang takbo ng career niya. Ipinahayag niSandara ang kanyang opinyon sa press con ng Super Noypi ng Regal Entertainment Inc. kagabi, December 1, sa Imperial Palace Suites.

Ang pagkakaroon ng maraming shows at television guestings at kawalan ng pahinga ang basehan ni Sandara ng pagiging sikat.

Ngayon daw, araw-araw na siyang nagpapahinga maliban kung meron siyang mall show at promo para sa Super Noypi.

Tanggap ni Sandra na hindi na mainit ang showbiz career niya kayamasama ang loob ng Korean star dahil nagbago na ang pakikitungo ng fansna inakala niyang loyal sa kanya.

May tampo naman si Sandra sa ABS-CBN dahil noong "hot" pa ang kanyangpangalan, present daw ang mga executives ng network sa birthday partyniya. Ngayon, ni hindi raw pinapanood o pinupuntahan ng mga executiveang mga concert niya.

Umiral ang pagkaluka-luka ni Sandara dahil nahihiya raw siyang sabihinsa ABS-CBN executives ang kanyang pagtatampo, pero panay ang kuwentoniya sa media.

Si Sandara ay produkto ng kauna-unahang Star Circle Quest ng ABS-CBN. Siya ang naging runner-up ng winner na si Hero Angeles na later on ay naging ka-loveteam niya.

Bagamat kinagat ng publiko ang kanilang tambalan, sa labas ng camera ayhindi magkasundo sina Sandara at Hero. Very vocal pa nga noon ang youngactress na mas gusto niya ang kasamahan nila sa SCQ na si Joseph Bitangcol, na ultimately ay naging boyfriend niya.

Ultimately ay nabuwag ang loveteam nina Sandara at Hero. Umalis ngABS-CBN si Hero samantalang si Sandara ay ipinareha sa boyfriend niyangsi Joseph. Hindi naging mainit ang pagtanggap ng publiko sa onscreenteam-up nina Sandara at Joseph.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Nagbakasyon si Sandara ng ilang buwan sa Korea. Pagbalik niya, tuluyan nang lumamlam ang kanyang career.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN