Mark Herras stops courting Nicole Anderson

IMAGE 0


'Hindi kami talaga bagay,' sabi ni Mark tungkol kay Nicole


Itinanggi young actor na si Mark Herras na si Nicole Anderson ng ipinalit niya sa kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado.

"Hindi naging kami ni Nicole. Pero totoong nanligaw ako, pero inihintoko," diin ni Mark sa panayam sa kanya ng PEP sa press con ng Super Noypilast Friday, November 24, sa Imperial Palace Suites. "Pero friends parin kaming naghiwalay. Kapag may time, nagkukumustahan kami throughtext."

Dagdag pa niya: "Inihinto ko ang panliligaw ko kasi very busy rin akosa trabaho at priority naman niya ang studies niya. Pagkatapos nga rawng studies niya, pupunta raw siya ng States para doon magtrabaho."

Nang tanungin si Mark kung bakit kailangan na niyang ihinto angpanliligaw kay Nicole, anak ng beauty queen-turned actress na si JeanSaburit, samantalang hindi pa naman ito tapos ng pag-aaral atnag-aartista pa rin ito ay nagtapat na rin ang young actor.

"Hindi ko kasi kayang sumabay sa lifestyle niya [Nicole]," sabi niMark. "Mas mahirap naman kung siya ang sasabay sa lifestyle ko.

"Hindi ito factor ng mahirap at mayaman," paglilinaw ni Mark. "Pero ibakasi ang dating niya [Nicole], hindi kami puwede. Ako kasi, hanggangpang-Rainier Castillo lang ako puwede. Ibig kong sabihin, ganon langang lifestyle namin ng best friend kong si Rainier."

Ayon pa kay Mark: "Kinausap ko siya [Nicole] three weeks ago. Curiousakong malaman kung puwedeng maging kami, pero na-realize ko na bakapapunta lang kami sa wala. Baka kung magtagal at maging kami, pareholang kaming masaktan dahil hindi talaga kami bagay."

Samantala, hindi raw nakikialam ang young actor sa alitan nanamamagitan kina Jennylyn at Ryza Cenon. Si Jennylyn ay ex-girlfriendni Mark samantalang na-link naman noon sa kanya si Ryza.

"Ayaw kong makialam," iwas niya. "Palagay ko, girls talk yun. Wish kolang ay magkaayos na sila dahil magkakasama naman kami sa trabaho."

Iniuugnay rin kay Mark ngayon ang isa sa girl co-hosts ng Wowowee na si Janelle Jamer. Itinanggi ng young actor na may namamagitan sa kanila ni Janelle.

"Best friend at family friend namin si Janelle," paliwanag niya."Naging mabuti kaming magkaibigan ni Janelle noong ginagawa pa naminang Forever In My Heart[ang GMA-7 drama series na pinagbidahan nina Regine Velasquez, RichardGomez at Ariel Rivera]. Kami pa noon ni Jen [palayaw ni Jennylyn] athindi siya yung pagseselosan ni Jen."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN