'I'm straight!'--Lance Raymundo

IMAGE 0


"I'm confident with myself and with my sexuality," sabi ni Lance.


Lumikha ng matinding ingay ang kontrobersiyal na radio interview ni Mo Twister kay Borgy Manotoc sa dwTM program ng huli na Good Times noong November 29.

Diretsahang sinagot ni Borgy ang "forbidden questions" on air, at isa nga rito ang tanong na kung may sasabihan siya ng, "Dude, admit it, you're gay!" sino ang taong pagsasabihan niya no'n?


Ang direktang pangalan na binanggit ni Borgy—si Sam Milby.

Pero nabanggit din ni Borgy, anak ni Congressman Imee Marcos, ang mga pangalan nina Piolo Pascual at ang singer na si Lance Raymundo.

Noong December 2, ay kinunan ng pahayag ng PEP si Lance, kapatid ng singer ding si Rannie Raymundo, sa text tungkol sa pagbanggit ni Borgy ng kanyang pangalan sa gay issue.

Reply ni Lance: "Well, I'm straight, so I don't feel the need to react. First time to hear that news, though."

Sumundot pa rin kami ng follow-up questions, at tumawag na sa PEP ang singer, habang nasa kotse ito going to the house of controversial actress Lara Morena, na nali-link sa kanya lately.

"I heard na pangalan lang ni Sam ang nabanggit ni Borgy sa interview na yon," sabi ni Lance. "Baka naman he was probably forced to tell more names pa.

"But it's really alright, I'm not affected at all dahil it's not true. If he thinks that for whatever reason, I really don't care," lahad ni Lance.

Sinabi pa ni Lance na hindi niya kilala personally si Borgy, kilala lang niya ito bilang apo ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Lately nga raw ay nakita niyang nag-i-style si Borgy sa isang fashion shoot ng lola nitong si Madam Imelda Marcos, sa isang broadsheet.

"I don't even know him," sabi pa ni Lance. "Nakita lang namin siya ni Lara sa NU Rock Awards [na ginanap sa World Trade Center last December 1], pero we were not introduced with each other."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natanong ng PEP kung bakit kaya sa dinami-dami ng puwedeng mabanggit na pangalan ni Borgy, ay na-drag pa nito ang kanyang pangalan sa gay isyung yon?

"Hindi ko talaga alam," sagot niya. "I can speak for myself that I'm straight. People should also speak of people they know also, right?

"I don't know what his motive really is. E siguro kasi, among the singers, ako yung medyo nag-iingay lately [dahil sa first time niyang pag-pose nang sexy sa Frontman magazine at sa isyu sa kanila ni Lara]..."

Sa tanong kung nasaktan ba siya sa comment na yun ni Borgy? Sabi ng singer ay: "Not at all. I'm a good sport. And in showbiz, it's a matter of opinion."

Ayon kay Lance, may gay issue na rin daw siyang na-encounter nung nagbalik-showbiz siya mula sa US last year. Pero para sa kanya'y dead issue na yun.

"I survived it once and it didn't hinder my personal life," rason niya. "I value my real life more than my showbiz life. As long as I enjoy my life, walang kaso sa akin yan.

"As long as the girls that I date are not affected at all with these things and I am confident with myself, I see no problem at all."

Sinabi pa ni Lance na kung siya rin daw ang mai-interview ni Mo sa radio show niya, puwede niya ring sabihin na si Borgy ay gay, or kahit sinong maisip niya for that matter.

"Pero siyempre, sasabihin ko yun out of fun lang," paglilinaw niya. "For fun lang. Kasi it should not be taken seriously e.

"Like puwede kong sabihin na I went to bed with Vilma Santos, right? For me, that interview, hindi dapat seryosohin. Pikon lang yung mga nagagalit sa radio show na yun," palagay ni Lance.

"Kasi, minsan, yung inaakala mo is different from the fact itself. It doesn't mean that if you're a pretty boy, you're gay na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Here in showbiz or in modeling, as long as you always look good and nice, it will always be part of the job, nasa subconscious na ng tao that he is gay... So, sa mga gustong maging modelo diyan, be prepared for it.

"Basta ako, I'm confident with myself and with my sexuality," pagdidiin niya.

At ano ang message niya for Borgy?

"Thank you sa kanya dahil kilala pala niya ako!" halakhak nito. "Mas maaalala mo kasi sina Sam and Piolo dahil lagi silang nasa TV. E, ako, I'm a singer and hindi naman niya ako kilala personally but he mentioned my name so I didn't know that he knows me in the first place!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN