Rhian Ramos not yet ready for sexy pictorials

IMAGE 0


The 16-year old actress says that aside from her body, people should see her personality as well.


Kung ang ilang young stars ay game at palaban sa pagpo-pose ng sexy samen’s magazines, taliwas naman dito ang young actress na si RhianRamos. Ayon sa leading lady ni Richard Gutierrez sa Captain Barbell, wala pa sa isip niya ang mga ganitong bagay.

Mistula kasing nagpapatalbugan sa pagpo-pose ng sexy ang female youngstars ngayon, tulad nina Katrina Halili, Angelica Panganiban, CamillePrats, Iwa Moto, Pauleen Luna, at iba pa. Pero sa ngayon daw ay hindipa ma-imagine ni Rhian na gagaya siya sa mga nabanggit na youngactresses dahil 16 pa lamang siya.

Ganunpaman, sinabi ni Rhian na hindi niya isinasara ang kanyang pinto kung saka-sakali sa sexy pictorials.

"Right now, I don’t think I’m really interested," sabi ni Rhian nangkapanayamin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presslaunch ng Bobson sa Ratsky, Tomas Morato, last November 28. "But Idon’t like closing my doors on ideas and I don’t wanna rush myselfnaman. Pero maybe in two years, I might change my mind, I don’t know."

Dagdag pa ng pinakabagong Bobson celebrity endorser, "Para sa akin, Ithink there’s more to me than my body. I think I have personality, so Ican depend on that first."

Nilinaw rin ni Rhian na hindi niya sinasabing degrading para sasinumang young stars ang magpa-sexy, lalo’t kung artistic at in goodtaste naman daw ang pagkakagawa nito.

"It’s up to them [young stars] naman e, it’s their choice," seryosongsabi niya. "I don’t think it’s degrading because if it’s done withclass, then I think it’s beautiful. Pero sometimes it can be likeparang pa-sexy dahil kailangan.

"I think it’s up to them how they wanted to come out, if they pose withclass, if they project with class. Then it will come out that way. Peroif they were just thinking na parang you know, lust, lust, lust, thenit will come out in a bad way. So that might be degrading, I think. Ifyou don’t do it right, then it might be."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, "If ever I might say yes to it, it has to be done withclass. I think you can be sexy without taking your clothes off. I thinkyou can be sexy fully dressed. I think you can be sexy in a shirt andjeans if you want."

Samantala, sa ngayon daw ay hindi interesado si Rhian sa mga lalaki. Sa katunayan nga raw ay hindi pa siya nagkaka-boyfriend.

"Ayoko muna," natatawa niyang sabi. "Kasi unang-una, bata pa ako e. I’mnot sure If I’m emotionally mature enough to have a seriousrelationship right now. Secondly, kakapasok ko pa lang sa showbiz, sosobrang busy ako ngayon and hindi rin siguro fair kung magka-boyfriendako dahil wala kaming time. Wala nga akong crush e."

Dagdag nito, "Actually, ang pinaka-interest ko ngayon ay work. Para ngaakong kabayong naka-blinders na hindi ako tumitingin sa iba. Trabaholang talaga ang focus ko ngayon."

Si Rhian ay nagsimula bilang print and commercial model bago siyanadiskubre sa television. She auditioned for the role of Lea, loveinterest ni Teng (Richard Gutierrez), sa GMA-7 primetime show naCaptain Barbell, na eventually nga ay nakuha niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN