Polo Ravales says Ara Mina has no prince suitor

IMAGE 0


Polo Ravales's relationship with Ara Mina cannot be easily shaken by any suitor rumor. "Hindi ako mai-insecure," says Polo.


Madalas wala sa Pilipinas ngayon ang sexy actress na si Ara Mina dahil sunud-sunod ang shows nito abroad. Dahil dito ay madalang na rin silang magkita ng kanyang boyfriend na si Polo Ravales.

Ayon sa sexy actor, naiintindihan naman niya na kailangang magtrabaho ni Ara. Hindi rin daw sila nawawalan ng communication dahil they make it a point to call each other from time to time.

Pero lately ay napapabalitang maraming foreigners na nakikilala si Ara sa kanyang shows ay nagkakagusto dito. Isa na raw rito ang admirer na isang prinsipe.

Paglinaw ni Polo, "Hindi naman prinsipe! Mayaman lang, pero hindi royal blood gaya ng balita. Tsaka hindi naman ito nanliligaw kay Ara dahil they go out in group." Ito ang pahayag ng stage/TV/movie actor sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, December 5, sa The Loop sa ABS-CBN, kung saan siya nag-gym.

Ayon kay Polo ay may tiwala siya kay Ara kaya hindi siya mai-insecure kung sakali mang may lumabas na balitang nililigawan ng iba ang kanyang girlfriend.

"I trust her at saka alam kong hindi niya gagawin sa akin 'yon [ipagpalit siya sa iba]," diin ng sexy actor.

Kasama si Polo sa pelikulang Super Noypi, official entry ng Regal Entertainment sa 2006 Metro Manila Film Festival.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN