Assunta de Rossi posibleng buntis na

IMAGE 0


If proven positive, the award-winning actress Assunta de Rossi will become a mom at the age of 24


Posibleng one month pregnant na ang mahusay na aktres na si Assunta de Rossi.

Matatandaang last month ay natuloy na rin ang matagal ng plano ni Assunta at ng asawa nitong si Jules Ledesma na mag-honeymoon sa Europe. Masyado kasing naging abala ang mag-asawa, lalo na ang businessman na si Jules, kaya't natagalan ang kanilang pulo't gata.

Unang ikinasal sina Assunta, 23, at Jules, 46, sa civil rites noong December 14, 2002, sa San Carlos City, Negros Occidental, hometown ng dating congressman na si Jules. At noong March 14, 2004 ay ikinasal sila ulit sa simbahan ng Santuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Assunta kaninang tanghali, December 6, sa canteen ng GMA-7 at masaya niyang naikuwento, "Thirty-two days na akong delayed. Hindi naman ito nangyayari sa akin before. Regular kasi ang aking menstrual period kaya posibleng pregnant na ako."

Dagdag pa niya, "Pero para makatiyak ay magpapa-check-up ako later this afternoon. Nakakahiya namang ipamalita kong buntis na ako kung hindi pa ako sigurado. Pero ‘yun nga lang ang sinasabi ko, delayed ang menstruation ko."

Bukod sa madalas na nakakaramdam ng pagod ay wala pang nararamdamang kakaiba ang aktres. Hindi niya alam kung sanhi nga lamang ito ng jetlag mula sa pagpunta nila abroad. Umalis sina Jules at Assunta ng Pilipinas noong November 6 at nanatili sa Italy hanggang Nobyembre 28.

Ngayon lang ay pagod uli si Assunta. Bandang 4:00 a.m. na raw kasi siya nakatulog. Tinanghali nga siya ng pagpunta sa taping ng SiS nina Gelli de Belen, Carmina Villarroel, at Janice de Belen sa GMA-7, ang istasyong iniwan ni Assunta mahigit ng dalawang taon ang nakalilipas, upang pumunta sa ABS-CBN, na sa dakong huli ay iniwan din niya dahil umano sa kawalan ng trabaho ruon.

Last month ay nagtungo ang mag-asawang Jules at Sam sa Italy, ang bayan ng ama ni Assunta. Si Assunta ay produkto ng unyon nina Nenita at Luigi Schiavone, isang Pilipina at isang Italyano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, si Jules ang very persistent na magpa-check-up na agad ako. Excited na siyang malaman kung buntis na nga ako. And parang may feeling siya talaga na nakabuo na kami," tawa pa ni Assunta.

Sinabi rin ni Assunta na ayaw muna niyang magtrabaho dahil gusto na niyang magkaroon sila ng baby ni Jules. Matagal-tagal na rin kasi ang kanilang paghihintay. Itong buwan na ito, apat na taon na silang kasal.

Kung sakali, gusto raw ni Assunta ay kambal agad.

"Kung puwede nga isang lalaki at isang babae agad, ‘yung kambal!" excited na sabi ni Assunta. "Ang biyenan ko kasi may lahi silang kambal e. Kaya umaasa ako na magkakaroon kami ng kambal. At kapag nangyari ‘yon, papangalanan ko sila ng Alessandro at Alessandra para matulad sila kay Alex na matapang at pasaway!" nakatawang pahayag pa ni Assunta.

Ang tinutukoy ni Assunta na Alex ay ang kapatid niyang si Alessandra de Rossi, isa ring mahusay na artista. May dalawa pang nakababatang kapatid na dalaga si Assunta, sina Margherita at Isabel, na parehong nasa Italy kasama ang ina at ama. Si Assunta ay panganay na anak.

Pumapagaypay na ang career ni Assunta bilang pangunahing sexy, dramatic star ng showbiz nang biglang nanghina ang career nito. Tinatayang ang dahilan nito ay ang pagpapakasal niya, sapagkat seloso ang publiko sa mga idolo nito. Sinasabing di rin nakatulong na ang pinakasalan ni Assunta ay isang taong 23 taon ang tanda sa kanya.

Ganunpaman, matagal nang pinandigan ni Assunta na pangarap niya nuon pa ang makapag-asawa nang maaga. Sinasabing masayang-masaya siya ngayong maaaring magkaka-baby na sila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN