Michelle Madrigal denies break-up with Victor Neri

IMAGE 0


Michelle Madrigal is 11 years younger than Victor Neri


Nagulat ang young actress na si Michelle Madrigal sa balitang hiwalay na sila ng boyfriend niyang si Victor Neri. Ayon kay Michelle ay going strong ang kanilang relasyon at nakaka-three months na raw silang mag-on ng aktor.

Ito ang ipinahayag ng young actress sa press con ng Mano Po 5: Gua Ay Di, noong December 3 sa Imperial Palace Suites.

Nabalita kasi na minsan ay naglasing si Victor sa Metro Bar habang nanonood ng concert ng singer na si Sitti. Diumano, ang dahilan ng paglalasing ng aktor ay dahil nag-break sila ni Michelle.



Eleven years ang agwat ng edad nina Michelle at Victor. Eighteen years old pa lang si Michelle at 29 years old naman si Victor.

Para kay Michelle, wala raw sa edad iyon. Ang importante ay nagkakaintindihan daw sila ni Victor.



"May adjustment naman kaming pinagdaaanan ni Victor," pag-amin ni Michelle. "Hindi naman kami basta na lang nagkaroon ng relasyon. We went through some rough patches, but we adjusted na maayos. Maybe because madali kaming nagkasundo ni Victor. Right now, I'm happy with him."



Isa raw sa gusto ni Michelle kay Victor ay ang pagiging tahimik at medyo mahiyain nito. Opposite kasi ito sa personality ni Michelle na very showy naman sa kanyang emotions.



"Kaya siguro nagkasundo kami kasi opposites attract, ‘di ba?" natatawang sabi ni Michelle. "My zodiac sign kasi is Scorpio kaya very expressive ako sa emotions ko. Si Victor is Pisces kaya he's much reserved than me."



Inamin ni Michelle na nao-offend siya tuwing may nababasa o naririnig siyang flirty siya. Huwag naman daw sana siyang i-judge ng kung sinu-sino lalo na hindi siya kilala.



"People just see what's on the outside and not who I am inside. They may see me with guys but I'm just being friendly. Hindi naman ako masamang babae. Kasalanan ko ba kung nilalapitan ako ng mga guys? I don't have to be sorry for that, ‘di ba?" paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Sa mga nagsasabi na malandi ako, kilalanin muna nila ako. I'm a good girl, and I'm not what they think I am. In fact, noong maging kami ni Victor, nabawasan na ang pagiging party girl ko. I'd rather stay home na lang and be productive with my time. Ayaw din kasi ni Victor na nagpupuyat ako, and he wants me to be careful with my image."



Samantala, sinabi rin ni Michelle na hindi pa niya nami-meet si Vito, ang anak ni Victor sa dati nitong non-showbiz girlfriend. Hindi pa raw panahon para ipakilala siya ni Victor sa anak.



"I understand Victor because baka nga naman maguluhan ang bata," sabi ng 18-year-old. "Baka kasi magulat ang bata dahil iba na naman ang girlfriend ng daddy niya. Darating din ang time na makilala ko ang bata."



Si Michelle ay kapatid ng young actress na si Ehra Madrigal at anak ng dating sexy star na si Karla Kahlua.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN