Boots Anson Roa wins second acting award after 34 years

IMAGE 0


Boots Anson Roa is in the cast of "Mano Po 5" directed by Joel Lamangan


Sa nakaraang Golden Screen Awards noong Oktubre ay nanalong best supporting actress si Boots Anson Roa sa kanyang maikli ngunit markadong pagganap sa pelikulang Blue Moon. Sa kasamaang-palad ay hindi nakadalo sa awards night ang veteran actress.

Hindi raw kasi nasabihan si Boots ng kanyang manager na si Bibsy Carballo na um-attend ng Golden Screen Awards kaya wala siyang kaalam-alam na nanalo pala siya. Kung alam lang daw sana niya ay dumalo siya sa awards night.



"Si Manny [Valera] ang tumawag sa akin na nanalo raw ako. Nasa bahay lang ako that night. Hindi kasi ako nasabihan to attend. Ako naman, win or lose, uma-attend ako ng awards night basta imbitado ako," kuwento ni Boots sa panayam sa kanya ng PEP sa press con ng Mano Po 5: Gua Ay Di last December 2 sa Imperial Palace Suites.

Nanghihinayang nga raw ang veteran actress dahil this is only the second time na nagkaroon siya ng acting award. Yung unang award niya ay noon pa raw 1972 for best actress sa FAMAS Awards for the movie Tatay Na Si Erap.



"Ang tagal na panahon ko nang hindi nanalo ng acting award," sabi ni Boots. "Ilang beses na akong na-nominate but I've never won. The first and last acting award I got was way back in the ‘70s noong mag-tie kami ni Vilma [Santos for Dama de Noche] sa FAMAS Awards. Most of the awards I have kasi are for television and mga socio-civic awards."



Si Joel Lamangan ang director ni Boots sa Blue Moon at magkasama na naman sila ngayon sa Mano Po 5 ng Regal Entertainment. Ito ang ikatlong pagkakataon na nakasama sa cast ng Mano Po movie si Boots.

Sa first Mano Po (2002) ay gumanap siyang lola nina Maricel Soriano, Kris Aquino at Ara Mina. Sa Mano Po 3: My Love (2004) naman ay siya ang mother-in-law ni Vilma Santos. Dito sa Mano Po 5, "I play the lola of Angel Locsin at anak ko rito si Lorna Tolentino," sabi pa ni Boots.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon kay Boots ay dapat daw manalo ng award si Lorna dahil napakagaling daw nito sa Mano Po 5.

"They will see a very different Lorna in this movie. She will make you cry but she will really make you laugh," pagmamalaki pa ng 60-year-old actress na itinuturing na isa sa mga pinakamagandang mukha sa Philippine showbiz.



Very blessed daw si Boots dahil after more than four decades in showbiz, nananatili siyang aktibo. This year alone, she did three mainstream films (White Lady, Sukob and Mano Po 5) and four digital/independent movies.

Sa TV naman ay huli siyang napanood sa telefantasya na Sugo, at ngayon ay isa siya sa hosts ng home shopping show na Benta Singko sa ABC-5.



Si Boots ang kasalukuyang executive director ng Mowelfund at nagtuturo rin siya ng broadcast management and journalism sa Ateneo de Manila University at University of the Philippines.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN