Joey Marquez vows never to guest in Mo Twister's radio show

IMAGE 0


Joey Marquez says that his guesting on Good Times will be "useless" because he won't answer all the questions in the 'Forbidden Questions' segment.


Hindi alam ni Joey Marquez kung may katotohanan ang balitang kukunin ng S-Files ang kontrobersiyal na radio host na si DJ Mo Twister bilang karagdagan sa kanilang programa. Pero kung sakaling totoo ito ay okay lang din daw sa kanya basta huwag lang daw magbabawas ng hosts na kinabibilangan din nina Richard Gomez, Paolo Bediones, Pia Guanio, at John Lapus.

Ito ang ipinahayag ng comedian-TV host sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, December 9, sa blessing ng sixth branch ng Adobo Republic sa Banawe, Quezon City.

Ayon pa kay Joey, hindi raw siya mag-ge-guest sa controversial radio program ni Mo na Good Times. Hindi raw kasi niya sasagutin ang lahat ng tanong ng radio host sa 'Forbidden Questions' segment, kaya magiging useless lang kung saka-sakali ang pag-ge-guest niya.

Sa palagay ng comedian-TV host ay hindi tama ang ilang ginagawa ng naturang show sa kanyang mga guests. Nalalagay kasi sila sa alanganin lalo na't sensitibo ang mga itinatanong sa kanila ni DJ Mo—like kung sino na ang nakatalik nila o kung sino ang sa tingin nila ay bakla sa showbiz.

"Foul naman ‘yon, kasi dapat may courtesy siya [sa mga guests] e," wika niya patungkol sa kakaibang playtime o game na ginagawa sa naturang radio program.

Idinagdag pa ng dating mayor ng Parañaque na iba ang ginagawa nila sa S-Files kumpara kay Mo sa radio program nito.

"Yung intriga kasi namin, mayroong pag-asang sumagot ang guest at saka may limit e. According sa mga kini-cater naming tao. Pero yung mga personalidad ng tao, yung gender ng tao, parang naiipit ang guest, pero sumasakay naman din sila. So, hindi mo rin masisisi si Mo," paliwanag niya.

Game rin si Joey na mag-ala-Borgy Manotoc sa radio program ni Mo dahil nang usisain tungkol sa kanyang itinatagong pagkalalaki, walang preno niyang sinabi na, "Seven si Borgy, 7 lang? Iyong 7 na ‘yon, tulog pa ako, huh! Iyan sigurong size na iyan, galing ako sa patay o puyat o kaya ay naliligo ako sa yelo ng ganyan—iyan ang 7!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa posibilidad na madagdagan pa ang kanyang mga anak, malabo na raw ito ayon kay Joey.

"Hindi na, marunong na akong umiwas e. Hindi ko na kailangang magpa-vasectomy [medical procedure para sa family planning]. Hindi na. Alam ko na kung saan ihaharap e!" pahalakhak na sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN