Keempee denies one-night stand with Geneva

IMAGE 0


Keempee de Leon admits that he used to hang out with Geneva and her ex-husband Paco Arespacochaga. But he is firm in saying: "We never had anything."


Agad pinagkaguluhan si Keempee de Leon ng entertainment writers nang pumasok ang aktor sa function room ng Imperial Palace Suites kagabi, December 11, sa press conference ng Shake, Rattle & Roll 8.

As expected, tungkol pa rin sa isiniwalat ng singer-actress na si Geneva Cruz sa radio show ni DJ Mo Twister na Good Times noong December 6 ang topic. Sinabi ni Geneva sa 'Forbidden Questions' segment ng naturang programa na si Keempee ay isa sa tatlong lalake na naka-one-night stand niya.

Kuwento ni Kempee, "Before kasi, we used to hang out, kami-kami, sina Geneva—sila pa ni Paco [Arespacochaga, ex-husband ni Geneva at ama ng anak niyang si Heaven] noon na naging barkada ko kasi—Lloyd Umali, Dessa. Kami-kami [ang] magkakasama."

Kagagaling lang daw ni Keempee sa Hong Kong nang sumalubong sa kanya ang balitang sinabi nga ni Geneva na naka-one night stand niya ang aktor.



"Nagulat lang ako. Maraming nag-text sa akin, maraming nagtatanong...Sabi ko ‘Ano ‘yang naglalabasan?' Nananahimik ako pero pati ako ay idadamay sa ganyang issue. Ang sa akin lang, kung gusto nilang manggamit, e huwag naman ako. Paninira ng tao ang ginagawa nila e. Nag-aaway-away yung mga kapwa artista e," halatang naiinis na pahayag ng anak ni Joey de Leon.

Dagdag pa niya, "Actually, pikon ako to the issue itself. Nananahimik ako na biglang pati ako ay idinadamay sa ganyang issue."

Mariin ding itinanggi ni Keempee ang sinabi ni Geneva na nagkaroon sila ng one-night stand.

"Hindi. Never kaming nagkaroon ng ganun. We just used to hang out, that's it! Hindi ko alam, anong issue ‘yang one-night stand na ‘yan," paglilinaw niya.

"Nakakahiya rin kay KC [Montero, boyfriend ni Geneva]. Siyempre, kahit papaano... Nagkita kami [ni KC] kahapon, nagkumustahan kami. Wala naman siyang itinanong. That's it."

Inamin ng aktor na hindi nakakabawas sa kanyang pagkalalaki kung aaminin niya na nagkaroon sila ni Geneva ng one-night stand, pero wala raw talagang nangyari sa kanila. Ayaw rin ni Keempee na may masabi sa kanya ang ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We never had anything," diin niya. "Aminado ako, sabi ko nga barkada kami, grupo kami. ‘Pag umiinom kami, nagka-karaoke bar kaming lahat. But one-night stand? Huwag ganun."



Pagpapatuloy pa niya, "Hindi ko naman sinasabing masama ang loob ko kay Geneva. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sila nagpapadala sa mga isyung ganyan. Sana inisip din nila na ikakasama din nila ‘yon e. Kung ano ang iisipin ng mga tao sa kanila, lalo na't babae siya, ‘di ba?"



Nang tanungin kung papayag siyang mag-guest sa radio show ni DJ Mo, mariing "No way!" ang naging tugon ni Keempee.

Paliwanag niya, "Kasi feeling ko, parang pinaglalaruan ang mga artista natin e. Masama ang loob ko sa radio program na ‘yan dahil parang naawa ako sa ibang artista natin na for the sake na magpa-interview ka...



"Ako, medyo sumama ang loob ko. Uminit talaga ang ulo ko. Ayaw ko talagang may makakaaway. Kaibigan ko si Geneva, pero ayaw ko ng palakihin ang isyu. Kaibigan ko rin si DJ Mo, pero hindi ko siya sinisisi kung ganyan ang concept ng kanyang programa—probably kung sino man ang mga taong nasa paligid niya o researchers. Alam ko naman na nagdi-DJ lang naman siya diyan, ‘di ba? Ayaw ko lang talaga ng may kagalit."



May direktibang inilabas ang KBP (Kapisanan ng Brodkaster Ng Pilipas) kamakailan na kung may artista na nasangkot sa ganitong klaseng isyu na magrereklamo ay gagawa ang departamento ng hakbang laban sa radio program.

Kung saka-sakali ay magrereklamo ba si Keempee sa KBP?



Sabi niya, "Well, sa ganitong mga bagay-bagay na nangyayari, sana gawan nila ng paraan para mahinto ito. Feeling ko lang, napaglalaruan ang mga artista. Bumababa tuloy ang tingin ng mga tao sa artista."

Maliban sa "LRT" episode ng Shake, Rattle & Roll 8, an official entry in the 2006 Metro Manila Film Festival, ay regular na siyang napapanood sa Eat Bulaga! and Bahay Mo Ba ‘To?, both on GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN