"I've never been this happy in my life"--Pia Guanio

IMAGE 0


Pia Guanio is a picture of a very happy woman--thanks to her blooming romance with Vic Sotto.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahit saglit lang si Pia Guanio sa Eat Bulaga! noong Sabado, December 9, sa Broadway Centrum. Mukhang masayang-masaya ang aura ni Pia at may rason siyempre kung bakit matamis ang kanyang mga ngiti.



"Obvious naman na masaya ako, ‘di ba?" nakangiting sabi ni Pia. "I've never been this happy in my life. Siguro nga destined akong lumigaya ngayon."



Out in the open na kasi ang relasyon niya with Vic Sotto, co-host ni Pia sa Eat Bulaga!. Wala na raw silang itinatago sa publiko.

At ang masasabi naman niya tungkol naman sa mga umiiling sa relasyon nila ni Vic, "Okey lang naman ‘yung mga negative comments. Ano naman ang magagawa ko kung ‘yun ang gusto nilang sabihin tungkol sa amin?



"Minsan nga iniisip ko na may mga tao talaga sa buhay natin na ayaw tayong paramdamin ng ligaya sa buhay. Parang lumalabas na wala akong karapatang maging happy...



"But still, mas naniniwala ako sa nararamdaman ko. Kung ano pa ang sabihin nilang hindi maganda, mas paniniwalaan ko na lang ay ang relasyon ko ngayon."

Sa una ay itinanggi nina Vic at Pia ang kanilang relasyon na nagsimula sa halos araw-araw nilang pagkikita sa Eat Bulaga!. Sa tuwing tatanungin sila ay puro "no comment" o "hindi totoo" ang naririnig sa kanila.

Ngunit sa interview sa kanila ni Lolit Solis sa S-Files noong October 8 ay pormal ng inamin ng dalawa ang kanilang relasyon. Bagama't "what you see is what you get" lang ang matipid na sagot ni Vic, sapat na ‘yon para sa maraming sumusubaybay ng kanilang pag-iibigan.

May cameo role si Pia sa Enteng Kabisote 3: Okay ka Fairy Ko (The Legend Goes On And On Ang On) na pinagbibidahan ng kanyang boyfriend na si Vic. She plays the ex-girlfriend of Enteng (Vic) na pagseselosan naman ni Faye (Kristine Hermosa).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN