Nene Tamayo secretly marries former dance partner

IMAGE 0


Nene Tamayo is now married to her former dance partner in 'U Can Dance.'


Binigla ng Pinoy Big Brother grand winner na siNene Tamayo ang publiko sa diretsahang pag-amin tungkol sa kanyangpagpapakasal sa dancer na si Anthony Flores Plamio. Naganap angsikretong pagpapakasal ni Nene noong October 3, 2006, sa datingka-partner sa dance show na U Can Dance.

Ginawa ni Nene ang pag-amin sa The Buzz last Sunday, December 10.

Samantala, nang nakausap sa telepono ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) si Nene kahapon, December 11, ibinalita nitonglilipad patungong Singapore si Anthony bukas. Dance instructor kasi angmister ni Nene at four years ang kontrata nito sa Singapore, peropuwede naman daw umuwi anytime si Anthony sa Pilipinas.

Ayon pa kay Nene, may show sa December 23 si Anthony saSingapore kaya hindi ito makakauwi ng Pilipinas. Hindi rin makakasunodsi Nene kay Anthony sa Singapore dahil narun naman si Nene sa 2006Metro Manila Film Festival Parade of Stars, kung saan kasama siya saentry ng Regal Entertainment na Shake Rattle & Roll Part 8 ("Yaya" episode).

Pero magkasama raw sila sa New Year dito at sabay na silang babalik sa Singapore sa January.



"May church wedding kami dapat sa birthday ni Anthony onApril next year pero kulang na kami sa time. Tapos dapat sa birthday kona lang on September 27, pero may nagsabi sa amin na kulang yung petsakaya sa 28th na lang ang napili namin," pagbabalita ni Nene.

Samantala, itinanggi ni Nene ang kumakalat na balita na three months pregnant na siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN