Cogie Domingo's father to sue director Gil Portes

IMAGE 0


Cogie Domingo (left) is one of the stars of "Mourning Girls" directed by Gil Portes (right) and co-produced by the young actor's mom, Zeny Domingo.


Part-owner ng One Greenhills Shopping Place ang pamilyang young actor na si Cogie Domingo. Ang One Greenhills Shopping Place(dating puwesto ng Ciudad Fernandina) ang pinakabagong tiangge place saEisenhower Street, Greenhills, San Juan.



Ang tatay ni Cogie na si Atty. Rod Domingo angnagkumbinsi sa kanyang anak na maki-sosyo sa negosyo dahil hindi stablejob ang pagiging artista.



Pormal na magbubukas sa publiko ang One Greenhills Plazasa January 12, 2007. Mahilig si Cogie sa car gadgets kaya ito angbinabalak niyang ibenta sa stall na kukunin.



Bukod sa nalalapit na opening ng kanilang bagongbusiness, napag-usapan din ang mga kaso na balak isampa ni Atty.Domingo laban sa movie director na si Gil Portes.



Ang grupo ni Portes ang producer ng Mourning Girls,isa sa mga official entries sa Metro Manila Film Festival noongnakaraang taon. Nakipagsosyo kay Gil si Mrs. Zeny Domingo, ang ina niCogie.



Ayon kay Atty. Domingo, tatlong milyong piso angibinigay ng kanyang asawa kay Portes pero walang nakuhang anumang kitaang maybahay niya nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula.



Nagpahayag ng matinding disappointment laban sa direktorsi Atty. Domingo dahil isang taon na ang nakalilipas, hindi patinutupad ni Gil ang pangako na babayaran ang kanyang asawa.



Hinihintay ni Atty. Domingo na matapos ang Pasko atBagong Taon. Padadalhan muna raw niya ng "demand letter" ang direktorat kapag hindi pa ito magbabayad, magsasampa na siya ng civil atcriminal case (estafa).



Nalaman din ni Atty. Domingo na hindi pa bayad ang mga artista at crew ng Mourning Girls. Ipinahayag ng ama ni Cogie na kung hihingin ng mga unpaid stars ang tulong niya, handa siyang ipagtanggol ang mga artista.



Suportado ni Cogie ang balak na pagde-demanda ng kanyang ama laban sa direktor ng Mourning Girls.Isa siya sa mga gumanap sa nasabing pelikula, kasama sina Assunta deRossi, Glydel Mercado, Chin Chin Gutierrez, Juliana Palermo, at RickyDavao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Idinagdag pa ni Atty. Domingo na maghahain din siya saBureau of Immigration and Deportation ng hold departure order para kayPortes. Ginawa na raw niya ito noong papunta sa Spain ang grupo niPortes para sa shooting ng Barcelona.



Hindi muna itinuloy ni Atty. Domingo ang pagsasampa ngkaso at hold departure order dahil nakiusap sa kanya si direktor JoelLamangan na kaibigan ni Portes. Pinagbigyan ni Atty. Domingo angrequest ni Joel, pero ngayon ay dapat na raw siyang kumilos dahil isangtaon na ang nakalilipas mula nang malugi sa pagpo-produce ng pelikulaang kanyang asawa.



Nabalitaan ni Atty. Domingo na naibenta raw ni Portes sa international market ang Mourning Girls, pero hindi binigyan ng parte ang kanyang misis.



Hindi rin daw sila nakatanggap ng share mula saincentive na ibinigay ng MMDA at MalacaƱang Palace sa mga pelikula nanakasali sa 2005 Metro Manila Film Festival.



Iginiit ng ama ni Cogie na "deceit" ang term sa ginawani Portes sa kanyang misis, na naninirahan na sa Amerika at na-traumanang husto sa kanyang unsuccessful partnership sa nabanggit na direkor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN