Alfred Vargas secret fan of Jan Nieto

IMAGE 0


Alfred Vargas (left) and Jan Nieto, who became part of Philippine Idol top 3, were classmates in Ateneo de Manila University.


Kahit hindi si Jan Nieto ang itinanghal na winner sa katatapos lang na grand finals ng Philippine Idol lastSunday, December 10, masaya ang sexy actor na si Alfred Vargas para sasinger na naging kaklase nito sa Ateneo de Manila University.

Nagulat nga raw si Alfred nang mabalitaan niyang sumali si Jan at nakaabot sa Final Three ng local version ng American Idol. Ni hindi nga raw niya alam na mahilig palang kumanta si Jan.

"Gulat talaga kami kasi tahimik lang ‘yan [Jan] noon,"kuwento ni Alfred sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal)sa press con ng Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh, noong December 9 sa Imperial Palace Suites.

Patuloy pa niya, "Mabait siya at matalinong estudyante.Ang huli ko kasing nabalitaan sa kanya, he was working sa Unilever.Pero nabalitaan ko rin na he resigned from his job para sumali sa Philippine Idol.

"I'm really, really happy for him kasi ipinakita niyaang isang side niya na walang nakakaalam. Tuwing tinatanong nga akokung sino ang gusto ko sa Philippine Idol, I always say I'mfor Jan Nieto kasi kilala ko siya. Sayang nga lang that he didn't win[Jan lost to Mau Marcelo]. But I'm sure marami ang kukuha sa kanyabecause he is so talented pala."

Samantala, one month ding nawala si Alfred sa Pilipinas dahil sa taping ng drama series na Muli,a co-production of GMA-7 and a Malaysian TV network. Umitim nga siAlfred dahil babad daw siya sa araw doon sa Penang, Malaysia.

"Beach scene kasi ang kinukunan kaya grabe ang initdoon. Pero iba naman ang feeling kasi you are working with differentpeople from different cultural backgrounds, kaya excited akong mapanoodna itong Muli next year," masaya pa niyang kuwento.

Naging best friend ni Alfred ang leading lady niya sa Muli nasi Carrie Lee, a former Miss Malaysia titleholder. Wala naman dawsilang naging problema sa communication dahil marunong daw mag-Englishang naturang Malaysian actress-beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bilib sila sa husay ng Pinoy," sabi pa ni Alfred. "Verytalented daw tayong lahat, lalo na when it comes to music andperforming. Halos lahat daw kasi ng mga singers sa mga hotels, clubs,at music lounges sa Malaysia, mga Pinoy. Kaya tuwang-tuwa sila,puring-puri nila tayo roon."

Entry sa 2006 Metro Manila Film Festival ang Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh, kung saan ginagampanan ni Alfred ang role ng love interest ni Rustom Padilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN