Glaiza de Castro no time for boys and love

IMAGE 0


Glaiza de Castro wants to save and buy a house for her family.


Deadma raw muna sa mga manliligaw ang young actress nasi Glaiza de Castro. Mas gusto raw kasi niyang pagtuunan ng pansin angkanyang showbiz career kaysa unahin ang pagkakaroon ng boyfriend.

Ito ang ipinahayag ni Glaiza sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh noong December 9 sa Imperial Palace Suites.

Ayon pa kay Glaiza ay gusto niyang makaipon nang hustopara makabili siya ng bagong bahay sa may Quezon City. Yung bahay rawkasi nila sa Valenzuela ay madalas bahain, kaya minsan ay hirap nahirap siyang makaalis papunta sa tapings or shootings niya.

"Kung hindi lang sana bumabaha sa amin, okey namantumira roon [sa Valenzuela]. Pero mahirap na minsan kapag tumataas naang tubig. Lalo na kapag umuulan, mahirap makalabas. E wala pa namankaming garahe para sa sasakyan ko kaya worried din ako kung saanipinaparada ang sasakyan. Mabuti na lang mababait ang mga tao sa amin,"kuwento ng young actress."

Dagdag pa niya: "Isa pang gusto kong bilhin ay bagongsasakyan. Yung nabili ko kasi, second hand lang tapos every week panadadala sa talyer dahil may mga sira. Kaya ipon lang ako ng iponngayon. Nagpapasalamat nga ako kasi marami akong trabaho this year.Sana tuluy-tuloy hanggang next year."

Pinaka-busy year ni Glaiza so far ang 2006 kasinaka-anim siyang pelikula at sunud-sunod din ang projects niya sa TV.Isa sa regular TV shows ni Glaiza ay ang Fantastikids sa GMA-7 kung saan gumaganap siyang leading lady ni Marky Cielo.

Pero malungkot na ibinalita ni Glaiza na magla-last taping day na sila for Fantastikids dahil kailangan nilang mag-concentrate ni Marky sa bagong show nila sa GMA-7, ang Asian Treasures. Sa nasabing action-drama series ay makakasama nila sina Robin Padilla at Angel Locsin.

"Nakakalungkot kasi first regular show ko ang Fantastikids saGMA-7," sabi ni Glaiza. "Hindi ko nga namalayan na naka-four months dinako sa show. Malaking tulong din sa akin. Pero ngayon sa Asian Treasures, maganda rin ang role ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama sa pelikulang Zsa Zsa Zaturnnah siGlaiza. Siya ang gaganap na Dina B., isa sa alagad ni Queen FeminaSuarestellar Baroux (Pops Fernandez). Dapat pala ay kasama rin siGlaiza sa Super Noypi, pero mas nauna na raw kasi siyang nakapag-shooting for Zsa Zsa Zaturnnah kaya hindi na niya tinanggap ang proyekto.

Matagal na rin sa show business si Glaiza ngunit ngayonlamang siya nabibigyan ng magagandang break. Una siyang nakilala bilangisa sa talents ng ABS-CBN ngunit nag-desisyon ang manager niyang siManny Valera na ilipat siya sa GMA-7 ngayong taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN