Angelika dela Cruz involved in car accident; set to file a case

IMAGE 0


"Sobrang nagwawala yung babae. Walang tigil sa kakamura," said Angelika dela Cruz of the owner of the vehicle that hit her car.


Nakatakdang magsampa ng demanda sa lungsod ng Quezon angactress-singer na si Angelika dela Cruz bunga ng pagkakabangga sakanyang sasakyan sa may Commonwealth Avenue, Quezon City.

Nangyari ang naturang aksidente kahapon, December 12, sakasagsagan ng matinding traffic bunga ng rally ng mga kumakalaban saconstitutional assembly (CON-ASS) sa naturang lugar.

Ayon kay Angelika, nagulat na lang siya nang maysumisigaw sa kanila at minumura sila mula sa isang sasakyan. Nangbumaba siya sa kanyang sasakyang Urban State na kulay gray, doon niyalang nalaman na binangga na pala ang kanilang sasakyan.

"Actually, balewala sana sa akin yung pagkakabanggadahil maliit lang naman ‘yon at puwede talagang ayusin lang. Kaya lang,yung ginawang pagmumura sa amin nung babae, hindi ko matatanggap ‘yon,masyadong foul na ‘yon," pahayag ni Angelika sa phone interview ng PEP(Philippine Entertainment Portal) kaninang umaga.

Kahit ang mga pulis na nasa presinto ay nakatikim din ngmura at pagwawala sa naturang babae na kinilalang si Gng. Malou Rivera,49.

"Sobrang nagwawala yung babae, siya nga yung walangtigil sa kamumura. At masyado niyang minamaliit ang mga artista,"kuwento ni Angelika.

"Sinasabi niyang dapat lang akong magdemanda dahilkailangan ko ng publicity. Bakit? Angelika dela Cruz na ako, at maycareer naman ako kaya hindi ko kailangan ang publicity. Baka siya,sumikat pa dahil sa akin," saad pa ni Angelika patungkol sa pahayag niGng. Rivera sa interview sa isang news program ng GMA-7.

Ayon kay Gng. Rivera, minura-mura siya ni Angelika nangmaatrasan nila ang kotse ng aktres. Subalit itinanggi naman ni Angelikaang paratang ng naturang ginang na siya ang naunang nagmura.

Sinabi ni Angelika na binabagtas nila ng kanyangkaibigang lalaki ang Commonwealth gamit ang kanyang sasakyan nangnaganap ang insidente. Nakahinto sila noon nang biglang makarinig ngnagsisisigaw na babae.

Nang nakita ng naturang babae na isa siyang artista,lalo pa itong gumawa ng eksena. Inilabas pa nito ang video cam paramakunan ang mga pangyayari. Subalit ang nakukunan lamang niya ay angkanyang pagtatalak, ayon kay Angelika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa rin kay Angelika, kahit gumagawa ng eksena angnaturang babae ay nakangiti lamang at nagpipigil siya dahil alam niyangsiya ang mas masisira kapag pinatulan niya ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN