Rufa Mae Quinto airs her side about US show

IMAGE 0


Rufa Mae Quinto recently went to U.S. for a trade show guesting. She was not able to perform though. The event organizersclaimed that shearrived late and was nowhere to be found.


May hinaing si Rufa Mae Quinto laban sa producer na nag-imbita sa kanya na maging performer sa Asia-Pacific Trade & Expo na ginanap noong December 9 at 10 sa Anaheim Convention Center, Anaheim, California.



Hindi pa fully paid ang talent fee ni Rufa Mae dahil hindi siya nakapag-perform, pero may paliwanag dito ang sexy comedienne.



Ayon sa Los Angeles-based correspondent na si Oliver Carnay, hinintay ni Rufa Mae sa hotel room nito ang tawag ng event organizer at napilitan sila ng kanyang mga kasama na pumunta sa venue dahil walang sumusundo sa kanila.



Nagulat ang grupo nang dumating sila sa Anaheim Convention Center dahil patapos na ang show at si Jasmine Trias ang last performer. Dahil hindi nakakanta, nagpunta na lang si Rufa Mae sa booth ng GMA-7 para sa autograph signing at picture-taking with the Filipino fans.



Naghihinanakit si Rufa Mae dahil may nagsabi na hindi siya mahagilap sa kanyang hotel room kaya itinuloy ang show kahit wala siya.



Ang duda ng mga kasama ni Rufa Mae, palusot na lamang ‘yon ng organizer para hindi na bayaran ang balance sa talent fee dahil hindi nila nagustuhan ang pagpayag ni Rufa Mae na maging special guest sa show ni April Boy Regino sa Mandalay Bay, Las Vegas, Nevada.



Reportedly, ang expo organizer ang nagbayad ng plane fare at working visa ni Rufa Mae kaya naghinanakit sila na nauna pang mag-guest ang sexy comedienne sa concert ni April Boy.



As of press time ay sinusubukan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang pahayag ni Zen Trinidad, ang producer ng Asia-Pacific & Trade Expo para sa ikalilinaw ng isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN