Julius and Tintin Babao ready to have second baby

IMAGE 0


Julius and Tintin, recently cited as two of the most popular household favorites on Philippine television by ANAK TV Seal,have one more target come 2007--a baby boy.


Handa na ang mag-asawang Julius at Tintin Babao para sa second baby nila. Gusto raw nila ay baby boy naman this time para kumpleto na, ang panganay nilang si Antonia ay babae.

Ito ang ipinahayag ng mag-asawa sa panayam sa kanila ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa telepono kahapon, December 13.



"Nasa plano na namin ang magkaroon ng baby sa 2007," sabi ni Tintin. "Hindi naman kami sa naghahabol, pero we want kasi Antonia to be called Ate na. Gusto na rin naming magkaroon ng bagong baby sa bahay.

"‘Yung EQ Diapers nga, nagtatanong kung kailan ako magbubuntis ulit kasi kukunin pa rin nilang endorser ang second baby namin. Nakakatuwa, ‘di ba? Hindi pa man, may nakaabang na sa magiging baby namin."



Samantala, masaya rin ang mag-asawang Julius at Tintin dahil muli na naman silang pinarangalan ng Anak TV Seal as two of the most popular household favorites on Philippine Television last December 8. Itinaon ito sa worldwide celebration ng International Children's Day of Broadcasting.



Hindi raw inaasahan ng mag-asawang Babao na muli silang mabibigyan ng ganitong parangal.



"We are very honored because Anak TV Seal has members that are part of the Southeast Asian Foundation for Children and Television (SEAFCTV)," sabi ni Tintin. "The voters come from different regions of the country kaya ang mapasama lang sa listahan na ito ay isang malaking karangalan na para sa amin ni Julius. We promise to still keep up with what they always expect from us."



Ayon naman kay Julius ay kakaiba ang pakiramdam na ibinoto ka ng libu-libong tao dahil may nakikita silang maganda sa trabahong ginagawa mo.



"We don't just cater to the adults but also to the children as well," diin ni Julius. "To get this seal of approval from so many people is an achievement altogether. Kami naman ni Tintin, we try to give our best all the time. At iniisip din namin kung ano ang makabubuti sa mga kabataan ngayon, lalo na't we have our own child na si Antonia. We want her to live in a world that is safe and child-friendly."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkasama ang mag-asawa sa daily morning show ng ABS-CBN na Magandang Umaga Pilipinas samantalang co-anchor naman si Julius sa primetime newscast na TV Patrol World.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN