Vina insists that she slapped Borgy

IMAGE 0


"Christmas gift ko na lang 'yung pagde-deny niya," Vina Morales says on Borgy Manotoc's denial.



May bagong twist sa balitang nakaganti na si Vina Morales sa pambabastos sa kanya ni Borgy Manotoc na nagpahayag na naka-"one night stand" niya ang actress-singer. Ito ay may kinalaman pa rin sa interview ni Borgy sa radio program ni DJ Mo Twister na Good Times last November 29.

Ayon kasi kay Vina ay nagkita sila ng anak ni Representative Imee Marcos noong December 10, bandang 10:30 pm sa Greenbelt 3, Makati. Manonood sana si Vina ng Happy Feet kasama ang kanyang boyfriend habang si Borgy naman ay nasa loob ng Time Zone kasama ang girlfriend niyang si Ornusa Cadness. Doon diumano naganap ang pananampal ng actress-singer sa model-TV host at ito ay nasaksihan daw ng mga taong nasa loob ng nasabing arcade.



Sa pinakahuling balita ay idinenay ni Borgy na may naganap na sampalan sa kanila ni Vina at hindi raw totoong dumugo ang kanyang labi.



Kahapon, December 17, ay nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Vina sa isang dressing room ng ABS-CBN pagkatapos ng ASAP '06. Kinuha namin ang kanyang pahayag sa diumano'y pagde-deny ng apo ng yumaong President Ferdinand Marcos at former First Lady Imelda Marcos.



"Hayaan na natin siyang mag-deny. Basta ako, nasampal ko na siya!" mariing sabi ni Vina. "Masaya na ako, I feel better and he deserves that. Christmas gift ko na lang sa kanya ‘yong pagde-deny niya.

"Alam naman ng tao kung sino ang nagsasabi ng totoo e. Masasampal ko ba naman siya, ‘di ba? I mean, [para] sa akin, marami namang taong nakakita e. So gusto niyang magsinungaling, kasalanan niya ‘yon sa mga tao. Ako, I'm just being honest and I feel good," nakangiti niyang pahayag.

In the past, tuwing tinatanong si Vina pagdating sa kanyang lovelife ay palagi nitong sinasabing loveless siya and the right guy is still nowhere to be found. Pero dahil sa nangyari sa kanila ni Borgy, nalaman tuloy ng publiko na mayroon na siyang bagong boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, mayroon naman akong boyfriend," pag-amin niya. "Hindi ko naman idine-deny ‘yon e. And I can say it's not a cold Christmas for me. We're on for months na."

Nang usisain tungkol sa iba pang impormasyon tungkol sa kanyang boyfriend, gaya ng pangalan nito, ang sagot ni Vina ay, "Huwag na natin siyang pag-usapan dahil di naman siya artista e."

Kinumusta rin ng PEP kay Vina ang younger sister niyang si Shaina Magdayao. Naapektuhan ba ito sa paglabas ng issue na kinasangkutan ng kanyang mas nakatatandang kapatid?

"Ganun din siya, she's on my side for what I did," sagot ni Vina.

"Actually, maraming taong naging happy because very ungentlemanly naman talaga 'yong nagawa niya [Borgy]. 'Yong sampal na 'yon ay hindi lamang para sa sarili ko kundi para sa lahat ng nabastos niya.



"But you know, after I slapped him, he said sorry to me. He said sorry to my boyfriend and niyakap ko siya. Sabi ko, ‘You're sorry? Then you're forgiven.' Niyakap ko then ti-nap ko yung likod niya. Then, nag-shake hands sila ng boyfriend ko," dagdag pa niya.

Naging traumatic ba sa kanya ang nangyari sa kanila ni Borgy?



Aniya, "Hindi naman naging trauma para sa akin. I just made a point because I was waiting for more than a week for a sorry but it never happened. So when I saw him accidentally, that's what he got from me because I want to make a point that it was not true.



"Alam mo, biglang naging [Manny] Pacquiao ako dahil noong nakita ko siya, kumulo agad ang dugo ko at nasampal ko talaga siya!" sabi pa niya.



Bakit sampal at hindi suntok?



"Well, it's a girl thing, 'di ba? Bigla-biglaan yung reaction na 'yon. I didn't expect that to happen. E ‘pag babae ka siyempre, sampal at saka actually, mas nakakahiya sa lalaki ang masampal kaysa sa masuntok because sampal, it's so degrading."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kuwento pa niya: "Noong time na 'yon, my boyfriend went to the bathroom kaya naisip kong maglaro muna sa Time Zone together with a bodyguard na iniwan sa akin ng boyfriend ko. Noong nakita ko siya [Borgy], at first ‘di ako sure kasi naka-hood [siya] e. Pero nakilala ko pa rin. Siyempre naman, makikilala ko pa rin. It's a blessing, I mean, it [was] meant to happen."



Samantala, may kumakalat na balita na si Vina raw ay may dugong Muslim at kabilang daw sa isang noble ancestor. Ilang grupo nga raw ng mga lady Muslims ang nag-i-insist na kung totoong nagalaw raw ang aktres ni Borgy ay dapat pakasal siya rito.

"E wala nga at saka ayaw kong isipin dahil hindi naman ako Muslim. I respect them pero if you don't love the person, why would you get married, 'di ba?" natatawang sabi ni Vina.

Aside from ASAP '06, kasama rin si Vina sa bagong soap opera ng ABS-CBN na Flor de Luna. Sa February 2007 naman ay magkakaroon ng repeat ang kanyang Showgirl concert.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN