Senator Lito Lapid confirms plan to run for Makati mayor

IMAGE 0


Senator Lapid Lapid has confirmed a report that he will run as Makati mayor in next year's election.



Gustong makatulong sa kapwa ang dahilan na ibinigay ni Senator Lito Lapid kaya kakandidato siya bilang alkalde ng Makati City sa 2007 elections.



Confident si Senator Lapid na magagampanan niya ang tungkulin dahil matagal siyang naging gobernador ng Pampanga.



Wala raw mawawala kung kakandidato siya para sa lokal na posisyon dahil kung hindi man maging mapalad ang kanyang kandidatura, makakabalik pa rin siya sa Senado.



Sinabi ni Senator Lapid sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na mas gusto niya ang local position. Inamin niya na nahihirapan siya na makipagsabayan sa mga senador dahil high school graduate lamang siya.



Maging alkalde ng Angeles City ang balak noon ni Senator Lapid, pero nagbago ang kanyang plano nang kumbinsihin siya ni President Gloria Macapagal-Arroyo na tumakbo bilang senador at pinalad na manalo.



Sa tanong kung maipalalabas sa Makati City ang pelikula nila ng kanyang mga anak na sina Mark at Maynard na Tatlong Baraha, oo ang sagot ni Senator Lapid. Pero kung siya raw ang tatanungin, mas gusto niya na huwag ipalabas ang Tatlong Baraha sa Makati City para may isyu.

Kausap ni Senator Lapid si MMDA Chairman Bayani Fernando nang maabutan siya ng PEP sa isang Quezon City restaurant kahapon, December 19.



Si Chairman Fernando ang nagbigay ng assurance kay Senator Lapid na ipalalabas sa Makati City theaters ang 2006 Metro Manila Film Festival entry ng mga Lapid.

Ang MMDA ang nagpapatakbo sa Metro Manila Film Festival at miyembro nito ang mga alkalde sa buong Metro Manila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN