SexBomb no offers yet from 'Eat Bulaga'

IMAGE 0


SexBomb manager Joy Cancio says that there's no assurance yet of SexBomb's return to "Eat Bulaga!"



Hindi pa sigurado kung makakabalik sa Eat Bulaga! ang SexBomb Girls pagkatapos ng kanilang pinag-uusapan na pagbabalik sa nabanggit na programa noong nakaraang Sabado, December 16.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ng SexBomb na si Joy Cancio sa Christmas Party ng SonyBMG kagabi, December 19, sa Quezon City Sports Club, E. Rodriguez Avenue. Ayon sa kanya, wala pa silang natatanggap na offer mula sa Eat Bulaga! dahil siya lamang ang lumapit para maayos na ang kanilang tampuhan ng TAPE excutive na si Malou Choa-Fagar.


Mataas ang rating ng Eat Bulaga! noong Sabado, pero nakatanggap ng reklamo si Joy na marami ang hindi nakapanood dahil biglang nag-brownout sa ilang lugar sa Metro Manila.



Ibinalita rin ni Joy na extended ang Season 13 ng Daisy Siete dahil sa magandang ratings nito. Inihahanda na raw nila ang Season 14 ng kanilang daily afternoon show sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN