Jennylyn Mercado and Patrick Garcia were caught in the act

IMAGE 0


Jennylyn Mercado and Patrick Garcia are rumored to be playing sweet music together but the two still deny their special relationship.



Hindi na siguro makakapagde-deny pa sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia sa kanilang itinatagong relasyon dahil sa isang Christmas party na dinaluhan ng dalawa, sabay silang dumating at buong-ningning na nag-holding hands buong gabi.



Ito ang kuwento ng aming source na namataan ang dalawa sa naturang Christmas party. Halos hindi raw maghiwalay ang dalawa at ipinakilala pa ni Jen si Partrick sa kanyang mga kaibigan.



"Nakunan ko ang holding hands nila. Hindi sila naghihiwalay. Obvious na super in-love ang dalawa," pagtiyak ng aming source. "Kaya naman ang ganda-ganda ngayon ni Jen, ‘di ba? Blooming siya kasi nga in love na in love sa dating crush niya na ngayon ay boyfriend na niya."



Ang ipinagtataka lang ng marami ay kung bakit hindi pa maamin ni Jennylyn ang kanyang relasyon kay Patrick? What is there to be ashamed of, e guwapo at binata naman si Patrick? Matagal na rin naman silang hiwalay ng ex-boyfriend niyang si Mark Herras.

Maging si Patrick—ex-boyfriend ni Bianca King—ay wala naman dapat ikahiya kay Jennylyn dahil bukod sa maganda ay sikat na sikat ngayon ang young actress.

So formal na pag-amin na lang ang hinihintay ng mga fans ng dalawa sa tila inililihim pang relasyon nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN