Ruffa Gutierrez: "Not all models are dumb."

IMAGE 0


"Models can be smart too," Philippines' Next Top Model host Ruffa Gutierrez says.



Sa March 6 ay magsisimula na ang Philippines' Next Top Model, ang reality-based model search na ihu-host ni Ruffa Gutierrez-Bektas. Last Saturday, January 13, ay iniharap na rin sa press ang Final 14 na kalahok sa naturang programa.

Dahil isa ring modelo at beauty queen, hiningan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ng tips si Ruffa kung paano maging matagumpay sa larangan ng pagmo-modelo.

"You need dedication, hard work, X-factor. Ang importante sa lahat, yung pagiging humble mo. Marami kasing artista natin ngayon, hindi na rin marunong bumati. Hinihintay pa yung mga senior stars na babati sa kanila," panimula ng matangkad at magandang anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

"Kailangan may magturo sa kanila, na the more successful you become, the more humble you should be. That's when more blessings come in," dagdag niya.

Pati raw sa kanyang mga kapatid na kambal na ngayon ay nasa showbiz, ganoon dapat ang attitude. Sabi niya, "That's what I always say to Richard and Raymond and all the newcomers. 'Yan ang dapat naming sabihin sa mga models na ito. When I talk to them, ako din yung magsasabi nang ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nais ding itama ni Ruffa ang karaniwang misconception sa pagmo-modelo.

"The misconception about models is that models are dumb. Models can be smart too, just like Georgina Wilson," dagdag ni Ruffa, na ginawang halimbawa ang girlfriend ni Richard. "She's taking up her masters in Australia and she's a model. So hindi lahat ng models, dumb. I think it's very wholesome and very lucrative, career-wise. ‘Pag naging successful ka as a model, you'll go a long way."

Bilang paghahanda sa Philippines' Next Top Model, panay ngayon ang diyeta at pagdyi-gym ni Ruffa.

Aniya, "I'm so excited to start the show."

Nilinaw rin ni Ruffa na ang Philippines' Next Top Model ay franchise ng America's Next Top Model ni Tyra Banks.

"Gusto ko lang i-clear yung sinasabi na ginaya lang namin yung America's Next Top Model. I want to make it clear that Wilson Cheng of Solar Entertainment Inc. bought the franchise of America's Next Top Model," diin ni Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is the first time that we're really looking for fresh faces. Yung talagang hindi pa nakikita sa mga magazines, sa mga shows. We're gonna change their lives by being the next model of the Philippines," patuloy niya.

Matatandaang kinatawan si Ruffa ng Pilipinas noong 1992 sa Elite Model Look na ginanap sa New York. Nang sumunod na taon, 1993, nanalo naman siyang Second Princess at Asia's Queen of Beauty sa Miss World.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN