Richard on his relationship with Angel: "I think it's more special now."

IMAGE 0


"Kung ano man ang meron kami ni Angel ngayon, I think it's more special now than us jumping into a relationship two years ago," says Richard Gutierrez about his relationship with Angel Locsin.



Inamin ng young actor na si Richard Gutierrez na mas special ngayon ang kanilang relasyon ng kanyang leading lady sa The Promise na si Angel Locsin. Sa isang taped interview ng S-Files, sinabi nitong, "Kung ano man ang meron kami ni Angel ngayon, I think it's more special now than us jumping into a relationship two years ago."

Sagot naman ni Angel, "Kasi kami ni ‘Chard, masaya kami kung ano'ng nangyayari sa amin ngayon."

Isa sa pinakasikat at pinaka-bankable na loveteam ang Richard and Angel tandem. Una silang nagkasama sa GMA-7 youth-oriented drama show na Click, kung saan gumanap sila bilang magkapatid na kambal. Ang unang ipinareha kay Richard bilang loveteam ay si Chynna Ortaleza samantalang si Angel ay nagpapalit-palit ng mga kapareha—Jolo Revilla, Railey Valeroso, James Blanco, Oyo Sotto, Dennis Trillo, among others.

Nang pagtambalin sina Richard at Angel sa landmark fantaserye ng GMA-7 na Mulawin, naging mainit na ang pagtanggap ng publiko sa kanila.

Ito ay sa kabila ng katotohanang hindi naman talaga naging sila sa totoong buhay. Alam ng lahat na naging boyfriend ni Angel ang yumaong young actor na si Miko Sotto, at later on ay ang pinsan nitong si Oyo Sotto—na nagtapos na rin bago natapos ang 2006. Si Richard naman ay tahimik lang tungkol sa relasyon nila ng kanyang model-girlfriend na si Georgina Wilson.

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, muntik na palang magkaroon ng relasyon sina Richard at Angel, pero hindi ito natuloy.

"Hindi natuloy dahil sa akin. Nung mga panahong iyon... Hindi ko alam kung tama ‘tong sasabihin ko sa kanya," medyo hesitant pang sabi ni Richard.

"Ako kasi sa sarili ko nun, hindi pa ako handa. Maraming reasons kung bakit hindi natuloy. Marami pa akong iniisip at medyo ligaw pa ako nung panahong iyon," pag-amin ng binata.

Sa darating na Valentine's day ay magbubukas na sa mga sinehan ang ika-siyam na pelikula nina Richard at Angel together, ang The Promise, mula sa GMA Films at Regal Entertainment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang iba pang mga pelikula nina Richard at Angel ay Mano Po 5 (2006), I Will Always Love You (2006), Mulawin: The Movie (2005), Let the Love Begin (2005), Mano Po 3 (2004), Sigaw (2004), Kuya (2004), at Mano Po 2 (2003).

Sa The Promise ay ginagampanan nina Richard at Angel ang kauna-unahan nilang mature roles sa pelikula. Ito rin ang unang pagkakataon na magkakaroon ng love scenes sa pelikula ang dalawa, bukod sa hindi mabilang na kissing scenes.

"Kung di siya ‘to, hindi siguro ako papayag na gawin yun. Kinabahan din ako. Hindi na ako nakapagsalita nun," banggit ni Angel tungkol sa love scenes nila ni Richard.

"Naging stronger yung bond namin. May dumagdag pa sa pagsasama namin. Mas bumigat pa yung relationship namin," sabi naman ni Richard.

Sa tanong kung matutuloy ba sa seryosong relasyon ang kanilang samahan, safe ang naging sagot ni Richard. "Kami ni Angel, we've always been close. Ako, as much as I can, sweet naman ako kay Angel. I try to be sweet. Ewan ko kung nararamdaman niya," sabi ng binatang anak nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

"Basta mahalaga, masaya kami together. Hindi naman namin tinutuldukan," nakangiting pahabol ni Angel.

Kasama rin nina Richard at Angel sa The Promise sina TJ Trinidad, Rhian Ramos, Ryan Eigenmann, at Raquel Villavicencio, na siya ring scriptwriter ng pelikula. Ito ay mula sa direksiyon ni Mike Tuviera, na naging direktor ni Angel sa TXT.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN