Ryza Cenon: Jolo Revilla and Gian Carlos are not my suitors

IMAGE 0


"Kaya hindi na ako masyadong nakikipag-close sa mga guys. Ayoko na, natuto na ako. Iniiwasan ko na lang dahil masakit kapag pagbibintangan o mai-isyuhan ka ng malayo naman sa katotohanan e," says Ryza Cenon about guys.


Ikinagulat ng young actress na si Ryza Cenon ang balitang nanliligaw sa kanya sina Jolo Revilla at Gian Carlos. Nakapanayam si Ryza ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Thursday, February 1, sa gala opening ng GMA Artist Center photo exhibit sa Glorietta sa Makati.

"Totoong tine-text ako ni Jolo, pero hindi siya nanliligaw," paglilinaw ng StarStruck 2 Ultimate Female Survivor. "Actually, hindi pa kami nagmi-meet nang personal. Nakuha niya yung number ko kay Tito Gorgy [Rula, Startalk field reporter and entertainment columnist]. Tinanong naman ako ni Tito Gorgy kung okay lang na ibigay niya ang number ko kay Jolo, and sabi ko okay lang naman. Wala naman akong nakikitang masama roon e."

Dagdag pa niya, "Pero minsan-minsan lang siya nagte-text. Text lang niya, nangungumusta lang, wala namang sweet nothings or whatsoever. Okay lang kung friends lang ang talagang intensiyon niya, huwag lang na manliligaw."

Paliwanag niya, "Ayoko kasi ng problema sa buhay. Ayokong pumasok sa isang gulo, away lang ‘yon e, so huwag na lang. Umiiwas nga ako sa mga guys dahil sa mga naibabansag sa akin, tapos papasukin ko yung kay Jolo? Di ba, mas malaking problema ‘yon?"

Matatandaang inamin noon ni Ryza na nagka-trauma siya sa mga lalaki dahil binansagan siyang "ahas at mang-aagaw" nang bigyan ng ibang kahulugan ang closeness niya kay Mark Herras nang girlfriend pa ng young actor si Jennylyn Mercado. Iniyakan din niya ang pagkakadawit ng pangalan niya sa relasyong Cogie Domingo at Lovi Poe.

Si Jolo ay kakahiwalay lang kay Grace Adriano, na ina ng anak niyang si Gab. Si Jolo ay anak nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado at si Grace ay anak naman ni Rosanna Roces.

"Kaya hindi na ako masyadong nakikipag-close sa mga guys. Ayoko na, natuto na ako. Iniiwasan ko na lang dahil masakit kapag pagbibintangan o mai-isyuhan ka nang malayo naman sa katotohanan e," sabi pa ni Ryza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman kay Gian, ipinagtataka niya kung saan nagsimula ang balitang nililigawan din siya nito. Ani Ryza, "Hindi ko nga po alam na nanliligaw sa akin si Gian. Nagulat na lang ako talaga nang mabalitaan ‘yon at may nagtanong sa aking reporter. Nagkasama kami sa Love to Love at dapat ay love team kami doon. Kaya lang, hindi na natuloy kasi nga natapos na agad at hindi na napahaba ang story."

Nangingiting kuwento pa ng dalaga, "Mabait naman po si Gian, kaya lang parang aso't pusa kami kapag magkasama. Nagbabarahan kami, suplada kasi ako, mahirap daw i-approach."

"If ever na gusto talagang manligaw?" ulit niya sa aming pag-uusisa. "Deadmahin na lang, love can wait naman e. Kahit ano pang age. Yung work muna ang concentration ko, kasi itong work namin hindi permanent. And hindi ako nagmamadali, itong work talaga ang priority ko."

Pahabol niyang paglilinaw, "Pero sa totoo lang po, hindi ko alam kung talagang nanliligaw si Gian, pinagsusupladahan ko kasi! Kapag naramdaman ko kasi na may pakay na manligaw ang isang lalaki sa akin, nilalagyan ko na agad ng wall, o limitasyon. Ooops, stop muna, teka muna ‘pag nararamdaman kong lumalampas na roon sa wall."

"In fairness, hindi ko naman nakitang nag-take advantage si Gian sa friendship namin. Hindi ko pa rin siya ganoon kakilala. Dapat kilalanin ko muna siyang mabuti o nang buong-buo, iniingatan ko siyempre ang sarili ko and maganda na kilalanin muna rin niya ako," pagtatapos ni Ryza.

Regular na napapanood sa Ay, Robot!, isang QTV 11 weekly sitcom, si Ryza. Kasama niya rito sina Ogie Alcasid, Tanya Garcia, CJ Muere, at si Eunice "Charming" Lagusad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN