Angelika dela Cruz to Wilma Doesnt: "I respect her opinion."

IMAGE 0


Aside from her acting career, Angelika dela Cruz personally handles her three businesses, which she says will secure her future after she retires from show business.



Ayaw magbigay ng komento ng young actress-singer na si Angelika dela Cruz sa pagbanggit ni Wilma Doesnt ng kanyang pangalan sa radio program ni Mo Twister na Good Times.

Last Wednesday, January 31, si Wilma ang guest sa "Forbidden Questions" segment ng controversial radio program ni Mo. Bukod sa pagbanggit ni Wilma kay Angelika bilang celebrity na nagpa-plastic surgery, nabanggit niya rin ang young singer-actress bilang isa sa mga "worst dressed celebrity."

Sa phone interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, sinabi ni Angelika na, "I respect her opinion, and yung sinabi niya ay hindi naman makakabawas sa pagkatao ko e."

Komento naman ng isang malapit kay Angelika, "Dapat tumingin muna si Wilma sa salamin. Kung kasing-ganda siya ni Lucy Torres, siguro may karapatan siyang magsalita. E sa hitsura niya na kahit balatan ang balat, ganoon pa rin ang lalabas!"

Dagdag pa nito, "At least baba lang ang pinadagdag ni Angel, hindi tulad ng iba na talagang ipinabago ang hitsura o yung buong mukha nila mismo ay ipinaretoke na!"

Ipinagkikibit-balikat na nga lamang ni Angelika ang kung anumang issues ang ibinabato sa kanya. Basta sa ngayo'y naka-focus siya sa bagong business niya, ang kanyang trading business. Siya bale ang supplier ng mga gamit sa school sa iba't-ibang lugar.

Bukod pa rito, enjoy na enjoy si Angel sa magandang takbo ng dalawa pang negosyo niya—ang water refilling station at ang kanilang Starz Theater Bar sa Malabon.

"Ang pagiging artista kasi ay hindi naman permanente ‘yan," sabi ni Angelika. "Gusto kong ma-secure ang future ko ngayon pa lang kaya pinaghahandaan ko na. Kaya naman talagang tinututukan ko nang personal ang bawat negosyong itinatayo ko at nag-e-enjoy ako sa ginagawa kong ito. Dito ako naka-focus, hindi sa kung ano-anong intrigang wala namang katuturan."

Ibinalita rin ni Angel na malapit nang umpisahan ang taping ng kanyang pinakabagong project sa ABS-CBN, ang Lastikman, na pagbibidahan ng versatile comedian na si Vhong Navarro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos maging kontrabida ni Angelika sa Bituing Walang Ningning, kakaibang acting naman daw ang ipakikita ng dalaga sa Lastikman, ang Pinoy superhero na pinasikat ni Vic Sotto.

Ayon kay Angelika, nais ng kanyang manager na si Boy Abunda na maipakita ang kanyang versatility kaya't tinanggap nila ang offer na ito ng Kapamilya Network.

"Kung sa Bituin, nainis ang marami sa akin, dito sa Lastikman, for sure magiging kaibigan ko naman yung mga bata dahil magiging paborito nila si Lastikman. Tigil muna ako sa pagkokontrabida at nais ko namang abutin yung mga bata. Iba kasing tipo ng audience ang mga bata e," pahayag pa ni Angelika bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN