Richard Gutierrez: "Hindi mahirap mahalin si Angel."

IMAGE 0


"Siguro kung nag-jump kami agad sa isang relationship, baka nasira na agad ang friendship namin o baka hindi naman naging successful ang loveteam namin gaya ngayon," says Richard Gutierrez about his aborted relationship with leading lady Angel Locsin.



Muling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa press con ng The Promise kahapon, February 1, sa Dunkin' Donuts SM Megamall.

Unang dumating si Richard na nagpaalam muna sa taping ng Nuts Entertainment, ang weekly comedy show niya sa GMA-7. Nang dumating si Angel, very sweet na sinalubong siya ni Richard at naupo na sila sa presidential table with the film's director, Mike Tuviera.

Napansin naming suot pa rin ng young actor ang naisulat sa PEP last week na diamond earring na hiniram niya kay Angel. Tinanong agad si Richard kung bakit suot pa rin niya ang diamond earring ni Angel, gayong tapos na ang shooting nila ng movie. Ayon kasi kay Angel, ang usapan daw nila ni Richard ay kapag magaling na ang butas ng tenga ng binata ay isosoli na nito ang hikaw.

"Hindi pa magaling," nakangiting sabi ni Richard. "Baka kapag inalis ko na ang hikaw, magsara ulit ang butas. Hindi ko muna isosoli ito hangga't hindi tapos ang showing ng The Promise. O di kaya ay papalitan ko na lang ng mas maganda kasi lucky charm ko ito."

May babawi ba ng hikaw kaya kailangang isoli ito ni Richard kay Angel?

Si Angel ang sumagot, "Wala po. Akin po ‘yan. Ako po ang bumili kaya walang babawi."

PASSIONATE KISSING SCENE. Sa ipinakitang full-trailer at music video ng The Promise, hindi kasama ang sinasabing passionate kissing scene nina Richard at Angel. Ganunpaman, tinanong pa rin ang dalawa kung ano ang naramdaman nila habang ginagawa nila ang naturang kissing scene.

Sabi ni Richard, "Nandun po yung excitement at nerbiyos. Pero more of excitement dahil first time naming ginawa ‘yon ni Angel. I respect Angel so much. Pero tinulungan kami ni Direk Mike at ng staff kaya very proud kami sa ginawa namin pagkatapos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag ng binata, "It's very real. Makikita ang emotions namin on screen kaya hindi pwedeng dayain. Makikita kasi kung awkward ang kissing scene namin. And yes, na-feel namin talaga ang ginawa namin. I'm happy and proud pagkatapos naming makita ang eksena."

Tapos ay humirit pa ang heartthrob nang ganito, "Feeling ko, ako na ang pinakamasuwerteng lalake nang oras na ‘yon dahil si Angel ang kasama ko sa eksenang ‘yon. Siguro maraming maiinggit sa akin kapag napanood na nila ang movie."

Si Angel naman ay mas demure sa kanyang mga pahayag tungkol sa kissing scene. "The scene is very beautiful," sabi ng No. 1 star ng GMA-7 sa kasalukuyan. "Hindi ko siguro magagawa ‘yon nang ganoong katotoo kung hindi si Richard ang kasama ko. Kapag pinanood ninyo ang movie, mararamdaman ninyo kung ano ang naramdaman namin nang ginagawa namin ang eksena. There's passion, but very tender."

May kuwento rin si Direk Mike sa napansin niya kina Richard at Angel bago niya in-execute ang passionate kissing scene ng mga ito.

"Napansin ko, at hindi nila pwedeng ipagkaila, na inihanda nila ang sarili nila sa eksena," sabi ni Direk Mike. "They were very, very close that evening. Inseparable sila, lagi silang magkayakap. During dinner break, hindi mo sila mapaghihiwalay, nagkukuwentuhan sila. Pero alam ko, iniri-relax lang nila ang mga sarili nila. Before the take, sinabi ko lang kung ano ang gagawin nila at kung ano ang gusto kong mangyari at bahala na sila."

Ibinahagi naman ni Richard kung ano ang pinagkuwentuhan nila ni Angel bago kunan ang kissing scene nila.

REMINISCING. "Nagri-reminisce naman kami ni Angel habang magkayakap kami doon sa lighthouse ng Bolinao. Nakatutuwa kasing isipin na nang una kaming magkasama sa Click, kambal ang roles namin. Hindi kami ang magka-loveteam," sabi ni Richard, na ang tinutukoy ay ang dati nilang youth-oriented drama show sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko sa kanya, parang ang layo-layo na nang narating namin. Iba na rin ang concept ng movie namin. Kaya I will forever treasure that moment dahil Angel is very special to me," patuloy ng young actor.

Nagbigay rin ng kanyang pahayag si Angel tungkol sa relasyon nila ni Richard.

"Iba rin ang relasyon namin ni Richard. Parang basang-basa na niya ako. Kapag napansin niyang tahimik lang ako, kinukulit niya ako," kuwento ng dalaga.

Noong ginagawa raw nila noon ang Mulawin, inamin nina Richard at Angel na nagkaroon sila ng mutual understanding (MU). Bakit kaya hindi nag-bloom yun?

"May mga bagay na nangyari noon. Pero ngayon ay mas maganda, mas healthy ang relationship namin," nakangiting pahayag ni Angel.

"Para pong ang bata-bata ko pa noon. Lost pa ako, hindi ko alam kung ano ang kapupuntahan," sabi naman ni Richard.

Dagdag pa ng binata, "Siguro kung nag-jump kami agad sa isang relationship, baka nasira na agad ang friendship namin o baka hindi naman naging successful ang loveteam namin gaya ngayon. Hindi mahirap mahalin si Angel. Kung anong meron kami ngayon, masaya kami at tini-treasure namin ang mga oras na magkasama kami. What you see is what you get."

Biniro ng PEP na mismong ang ina ni Richard na si Annabelle Rama ang nagsabing hindi siya naniniwala na wala pang namamagitan sa dalawa dahil very sweet sila palagi sa isa't isa. Lagi raw kasing nakahawak sa waist ni Angel si Richard basta magkatabi sila.

Nagkatinginan sina Richard at Angel at saka tumawa.

Loveless ang dalawa sa darating na Valentine's day. Alam naman ng lahat na kabi-break lang ni Angel sa ex-boyfriend nitong si Oyo Sotto, samantalang ang girlfriend naman ni Richard na si Georgina Wilson ay nasa Australia dahil doon nag-aaral ang model.

"Kaming dalawa ang magka-date dahil maghapon kaming magkakasama ni Angel sa Valentine's day. Magra-round kami ng mga sinehan, magpapasalamat kami sa lahat ng mga Kapuso na manonood sa opening day," natatawang sabi ni Richard.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN