Janno Gibbs finally breaks his silence

IMAGE 0


Janno Gibbs denies that he is the real reason why Gladys Guevarra resigned from Eat Bulaga!


Nagsalita na rin si Janno Gibbs sa issue nila ni Gladys Guevarra.

Never nakunan ng side si Janno about the supposed affair nila ni Gladys. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa singer during the re-launching of SOP kahapon, February 4, sinabi niya na ang ang point niya raw kasi ay nag-deny na si Gladys na wala nga silang relasyon. Ito raw ang dahilan kaya hindi niya na rin kailangang pang magsalita.

To clear the issue from his side though, Janno agreed to do a one-on-one interview in the coming March 2006 issue of YES! magazine, with Jo-Ann Maglipon, the magazine's editor-in-chief, conducting the interview.

There was never anything between him and Gladys, sabi ni Janno. Sobrang bonding lang kasi ang nangyari sa kanila ni Gladys sa Eat Bulaga!, na nadagdagan pa sa dami ng stage shows nila together. Tuloy, napapagkamalan na naging item sila.

Lately nga lang daw sila naging that close, after the aborted demandahan na nangyari sa kanila prior to Eat Bulaga's 25th anniversary almost three years ago. Noon ay nabiro raw kasi ni Janno si Gladys, na akala ng huli ay totoo, kaya sumama ang loob ni Gladys at nag-walkout. Nagalit daw si Janno kay Gladys kaya't pagbalik nito, namura ni Janno ito. Isang subpoena for oral defamation ang naging katapat ng murahang nangyari.

During the actual Silver Anniversary show ng Eat Bulaga! noong November 27, 2004, bagama't natanggap na raw ni Janno ang subpoena, humalik pa rin siya kay Gladys, and right then and there, nagkapatawaran sila at naging close na nga.

Wala talagang balak magsalita ni Janno tungkol sa issue nila ni Gladys. Kaya lang, inamin niyang minsan ay naiinis na rin daw siya na kahit nagsasalita na nga si Gladys for both of them, hindi pa rin sila paniwalaan.

Dagdag ni Janno, kaya lang siya nagsalita sa YES! ay dahil hindi niya gusto ang slant na siya pa rin ang ginagamit na dahilan ng ibang tao kung bakit nag-resign si Gladys sa Eat Bulaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Months before Gladys's actual resignation, si Janno pala ang unang nasabihan ni Gladys ng plano nito at si Janno pa ang kumukumbinsi na huwag na lang ituloy. Isa rin ang singer-comedian sa mga nagulat nang itinuloy nga ni Gladys ang resignation niya. Naiintindihan naman ni Janno kung bakit ito ginawa ni Gladys. Alam daw niyang may problema sa likod ang comedienne.

For the record, magkasama pa rin daw sa isang bahay sina Janno at ang kanyang asawang si Bing Loyzaga together with their daughters Alyssa and Gabbie. Inamin ni Janno that this is not a perfect marriage but they are working it out. Walang nagpa-file sa kanila ng annulment dahil both want the marriage to continue.

(Ang PEP ay unang nakita bilang YES! website. Mas malawak ang saklaw ng PEP ngayon, ngunit kinakarga pa rin nito ang YES! online edition.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN