Jennylyn asks for "privacy" in her relationship with Patrick

IMAGE 0


"Siguro naman may karapatan kami ni Patrick na kahit papa'no ay maging tahimik na lang ang relasyon namin. Wala naman akong nakikitang masama sa ginagawa naming ito. Para lang sana magkaroon kami ng privacy," says Jennylyn Mercado about her relationship with Patrick Garcia.



Kumpirmadong mag-on na ang young stars na sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. Pero ang nakakapagtaka nga lang ay bakit tila nahihiya pang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Nang makapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn kahapon, February 4, sa backstage ng SOP, sinabi ng young actress na may usapan na raw sila ni Patrick na hindi nila pag-uusapan sa publiko ang anumang namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi naman daw sa gusto nilang ipagkait ang kanilang nararamdaman sa marami, pero mas mabuti na raw yung tahimik na tumatakbo ang kanilang pagsasama.



Ani Jennylyn, "Siguro naman may karapatan kami ni Patrick na kahit papa'no ay maging tahimik na lang ang relasyon namin. Wala naman akong nakikitang masama sa ginagawa naming ito. Para lang sana magkaroon kami ng privacy."



"Nanggaling na kasi ako sa isang relasyon na alam natin ay pinagpistahan ng marami. Ayoko na sanang maulit ang gano'n kasi mas maganda na yung walang magulo sa relasyon ninyo, di ba?" sabi pa ng dalaga na ang tinutukoy ay ang relasyon nila ng young actor na si Mark Herras.



Pero mahirap ang gustong mangyari ni Jennylyn lalo na ang sinasabi niyang privacy. Artista sila pareho ni Patrick at mga public personalities sila kaya mahihirapan silang makahanap ng privacy, lalo na't alam ng marami na may relasyon na sila.



"Kaya naman siguro kung makikiusap kami, ‘di ba?" nakangiting sagot ni Jennylyn. "Alam ko na sa showbiz ay mahirap magtago ng kahit ano. Na-experience ko na lahat ‘yan kahit na sabihin pa nila na ilang taon pa lang ako sa trabahong ito. Siguro naman ang hinihingi naming privacy, kahit konti lang, ay mapagbibigyan."



Handa na ba siyang maikumpara sa mga past girlfriends ni Patrick, gaya ni Bianca King?



"Wala naman sanang gano'n na mangyari. Magkakaiba tayong lahat at wala akong plano na i-compare ang sarili ko sa mga naging girlfriends ni Patrick. Just the same, hindi ko ikukumpara si Patrick sa kung sino ang mga naiugnay sa akin. That would be unfair naman, ‘di ba?" paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa nalalapit na Valentine's day ay hindi raw makakapag-date sina Jennlyn at Patrick dahil may show ang young actress-singer sa Zirkoh on February 14, kasama sina Janno Gibbs at Teri Onor. First Valentine's pa naman sana nila ito together as a couple.



"Okay lang naman kasi trabaho, e. Tsaka magkasama naman kami parati ni Patrick sa set ng Super Twins. Kaya parang nagde-date na rin kami parati," palusot ni Jennylyn.



"Tsaka may dalawang pelikula kaming gagawin ni Patrick. Isa ay full-length movie at yung isa naman ay trilogy. Ang manager kong si Tita Becky [Aguila] ang magpo-produce ng parehong movies," pagbabalita pa ng young actress bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN