Pedro Penduko to Bakekang: "Handa na akong mag-apologize sa kanya."

IMAGE 0


Matt Evans airs his side on the incident involving him and Sunshine Dizon at the Dinagyang Festival in Iloilo.



Inilahad ng The Buzz kahapon, February 4, ang panig ng Pedro Penduko star na si Matt Evans sa insidenteng nangyari sa kanila ng star naman ng Bakekang na si Sunshine Dizon. Pinararatangan kasi ni Sunshine na nabastos siya ng ex-Pinoy Big Brother teen housemate nang sabay silang mag-guest sa Dinagyang Festival sa Iloilo noong January 28.

Ayon sa pahayag ng festival organizer ay nagkaroon daw ng delay sa kanilang programa kaya hindi ito agad nasimulan. Dahil dito, ginawa nilang alternate ang paglabas ng mga artista mula sa ABS-CBN at GMA-7—si Matt ay Kapamilya samantalang Kapuso naman si Sunshine. Parehong pumayag ang representatives ng dalawang giant networks sa arrangement. Kaya pagkatapos ng isang kanta ni Sunshine ay tinawag na nila palabas ng stage si Matt.



"Paglabas ko sa stage, nagulat ako nung makita ko na nandun pa siya [Sunshine], kaya nag-stay pa rin ako sa bandang likod nila. Nagulat na lang ako nung may babae sa staff ng show na parang tinutulak ako at pinapasiksik sa harap," panimulang kuwento ni Matt.



"Wala naman akong magawa kasi sila yung organizer ng show kaya mas alam nila kung ano yung nangyayari. Sumunod lang naman ako sa kanila. E kung ako naman ang tumutol sa ipinapagawa nila, baka ako naman ang lumabas na masama," pahayag pa ng binata.



Kitang-kita sa video na ipinalabas sa The Buzz na totoo ang mga sinabi ni Matt.

Ipinaliwanag din ng organizer ng Dinagyang Festival ang alegasyon ni Sunshine na pinatayan siya ng audio ng microphone habang nagsasalita pa siya. Ayon sa organizer ay technical error talaga ang pagkakawala ng sound ng microphone ni Sunshine. Katunayan, right after mawala ang audio ng microphone ni Sunshine ay meron daw agad nag-abot ng kapalit na mikropono sa staff ng programa.



Hindi rin daw agad ipinaalam ng kampo ni Sunshine na kakanta ulit siya after her first song. Ayon sa organizer, isang kanta lang daw ang allowed bawat artist na magpe-perform at alam daw yun ng mga kausap nila from both networks. Pero kung sinabi raw agad ni Sunshine at ng kampo nito na may pangalawa pa siyang kanta ay pagbibigyan naman nila ang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Samantala, habang nakatayo sa harap ng crowd sina Sunshine at Matt, nakita rin sa video ang pagtatalak at tangkang panunugod ng ina ng aktres na si Dorothy Laforteza. Hindi natuloy ang panunugod ng ina ni Sunshine dahil agad itong napigilan ng mga tao sa bandang likod nina Matt at ng kanyang anak.



"Given a chance, handa naman akong mag-apologize sa kanya kahit wala akong kasalanan sa kanya. Hindi naman ako pinalaki ng magulang ko na maging bastos lalo na sa isang babae," sabi ni Matt tungkol kay Sunshine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN