Jonalyn Viray's debut wish: last dance with Dennis Trillo

IMAGE 0


Jonalyn Viray admits that she has a big crush on heartthrob Dennis Trillo and dreams of having him as partner for her last dance at her debut.



Hindi itinanggi ng Pinoy Pop Superstar Season 1 grand champion na si Jonalyn Viray na in-love siya ngayon at hindi siya kasali sa Lonely Hearts Club sa nalalapit na Valentine's day.



One year na raw ang relasyon niya sa commercial model at part-time actor na si Arran Sese. Nakilala raw ni Jonalyn ang boyfriend through her co-Pinoy Pop Superstar (PPS) finalist na si Michael Garcia.



"Barkada kasi siya ni Michael. Madalas kasi kaming lumalabas nina Michael at nagkataon na isinama niya si Arran one time. Nagkakilala kami at naging okey naman kami. Nagulat din ako na magwa-one year na pala kaming mag-on," kuwento ni Jonalyn sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa re-launching ng SOP kahapon, February 4, sa GMA-7 compound.



Ayon kay Jonalyn, wala naman daw nanligaw sa kanya sa mga ka-batch niya sa PPS. Hanggang trabaho lang daw talaga ang relasyon niya sa mga ito.



"I guess talagang naging close friends lang kaming lahat," sabi ni Jonalyn. "Si Brenan [Espartinez] kasi ay may girlfriend na. Si Michael naman, ang alam ko, may girlfriend din."



Ano naman ang masasabi niya sa balitang gay daw ang isa pa nilang kasama sa PPS na si MC Monterola? Sa digital film kasi na Metlogs ni Cris Pablo ay gumanap na bading si MC. Playing himself daw si MC bilang bading sa naturang digital film.



"Sa totoo lang po, nagulat po kami na tinanggap niya ang role na ‘yon sa Metlogs. Hindi po ako makapagsasabi kung gay ba siya o hindi. Si MC na lang siguro ang makakasagot niyan," sagot ng young singer.



Anyway, this year na pala magde-debut si Jonalyn. Kahit sa November pa ang 18th birthday niya, sinabi niya na gusto niyang maging escort si Brenan dahil pinaka-close niya raw ang binata, samantalang first dance naman niya ang kanyang father. Sino naman ang gusto niyang maging last dance?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Si Dennis Trillo!" sabay tawa ni Jonalyn. "Crush ko po kasi si Dennis. Kahit sa ilusyon lang naman na last dance ko siya ay okay lang."



Regular na mapapanood si Jonalyn every Sunday sa SOP ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN