Nadine Samonte now lives in her Sta. Rosa

IMAGE 0


Young actress Nadine Samonte has moved to her new house in Sta. Rosa, Laguna, although it has yet to be fully furnished.



Masaya ang young actress na si Nadine Samonte sa takbo ng career niya ngayon dahil dire-diretso ang trabaho niya. Bukod sa dalawang shows niya na Magic Kamison at Super Twins sa GMA-7, hindi rin siya nawawalan ng out-of-town guestings.

Sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa GMA-7 compound, napag-usapan ang tungkol sa "mansion" na ipinatayo niya sa hometown niya sa Sta. Rosa, Laguna.

"Hindi naman mansyon!" natatawa niyang reaksiyon. "Wala pa, wala pang gamit. Dun na kami nakatira, pero natutulog pa rin kami sa papag. Ang hirap bumili ng mga gamit e."

Aniya pa, "Kasi ang sabi ko, gusto kong bumili ng mga bagay, like kunwari magsu-show ako, mga out-of-town shows. Yung perang kinita ko sa show, yun ang ibibili ko. Pero yung sa mga taping, ayokong galawin yun, ayokong gastusin. Ipon ko yun."

Dagdag pa ni Nadine, "Kailangan kong bayaran nang bayaran yung architect ng bahay ko at yung mga materyales. Ang gusto namin, paglipat, bago na lahat ng gamit."

Nabanggit din ni Nadine na nung nakaraang bagyong Milenyo, "nabinyagan" na agad ang bagong bahay niya dahil pinasok daw ito ng tubig-baha. Mabuti na lang daw at hindi naman kataasan ang baha sa loob ng bahay niya at wala pang mga gamit kaya walang masyadong pinsalang nangyari.

Samantala, nag-birthday ang ka-batch niya sa StarStruck na si Yasmien Kurdi last January 25. Pero hindi raw binati ni Nadine si Yasmien, prompting others to think na may gap pa rin sila hanggang ngayon.

"Ano ba ‘yun?" nagtatakang sabi ni Nadine. "Wala, wala kaming gap. Hindi kami magkagalit. Hindi ko kasi alam ang number niya e. Eighteenth birthday ba niya yun? Ah, oo nga, 18 na siya!"

Okay na sila ni Yasmien, pero wala raw siyang number ng co-star din niya sa Bakekang.

"Alam mo, ang may mga numbers lang ako, si Jennylyn [Mercado], si Cristine [Reyes], at si Jade Lopez. Sila lang yata ang may number ako," pag-e-enumerate pa ni Nadine sa mga ka-batch niya sa StarStruck.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Nadine at Yasmien mula pa noong nasa StarStruck pa lang sila. Pero sa paglipas ng panahon, pareho namang nagpahayag ang dalawa na okay na sila. Mga bata pa lang daw kasi sila noon at hindi pa sanay sa showbiz kaya hindi agad naging maganda ang sitwasyon sa pagitan nila.

Samantala, dahil sa Super Twins ay kailangan lisanin na ni Nadine ang Bakekang, kung saan gumaganap siya bilang Lorraine. Aminado ang dalaga na mabigat sa loob niyang iwanan ang programa kapalit ng Super Twins, na pagbibidahan naman nila ni Jennylyn.

"Nalulungkot ako, kasi tuwang-tuwa na ako sa role ko sa Bakekang. Naaliw na ako," sambit pa ni Nadine.

Tinanong din namin si Nadine kung sino ang bets niya sa Batch 4 ng StarStruck. Ayon sa kanya, ang gusto niya ay ang tomboy na si Jesi Corcuera.

"Wala lang, maganda kasi ang mukha niya, nagagandahan ako sa mukha niya," sabi ng young actress.

Sa mga lalaki, wala raw siyang masyadong kilala kaya wala siyang matukoy na paborito niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN